Brian Velasco's girlfriend clarifies speculations about death of Razorback drummer

IMAGE Photos from Facebook

Ibinahagi ni Portia Carlos—ang girlfriend ng yumaong si Brian Velasco—ang hirap na dinanas ng Razorback drummer dahil sa medical condition nito.  


Ang yumaong Razorback drummer na si Brian Velasco, 41, ay clinically-diagnosed na mayroong bipolar disorder.

Ito ang pag-amin ng girlfriend ni Brian na si Portia Carlos, base sa ulat ng Push.com.ph ngayong Lunes, January 28, 2019.

Si Brian ay pumanaw dahil sa umano'y "apparent suicide" noong January 16.

Siya ay kilalang drummer ng Razorback, isang OPM rock band na nabuo noong '90s.  

Ayon kay Portia, napag-alaman nila ni Brian ang tungkol sa medical condition nito nang samahan niya itong magpatingin sa doktor bandang early 2018.

Ito ay matapos umano ang hindi maipaliwanag na pabagu-bagong extreme emotions ng Razorback drummer, lalo na isang linggo bago ito nagpa-doktor.

Noong panahong iyon ay nag-confide pa raw si Brian kay Portia na sumasagi sa isip nitong kitilin ang sariling buhay. 

Ganito inilarawan ni Portia ang napag-alamang bipolar disorder ni Brian: "A mental HEALTH CONDITION that causes extreme mood swings that include mania or hypomania (emotional highs) or depression (lows).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"These episodes would happen fast and last for a short time, hours or a few days at the most, unlike depression that could linger for months or years."

Iginiit ni Portia na hindi dapat husgahan ang medical condition ni Brian, bagkus ay dapat mas intindihin ito.

Mayroong isang bahagi ng brain ang hindi nagpa-function sa isang taong may bipolar disorder, na siyang dahilan ng extreme shifts sa emotions nito.  

Paliwanag pa ni Portia, "If a person with the disorder experienced the highest 10 and the lowest 1 (when experiencing events that only warranted say, a 3 or a 7 reaction) the medication Brian received made him stay in the normal range, in the middle where we, who do not have the condition, are.

"But the doctor said that it will take a few days before the meds would take effect." 

Kinalaunan ay naging stable naman daw ang health condition ni Brian. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DAYS BEFORE HIS DEATH

Ilang araw bago pumanaw si Brian, napag-usapan pa raw nila ang plano nilang magsama sa iisang condo unit by May 2019. 

Sa iisang condominium building lang nakatira sina Brian at Portia, at 'tulad ng kanilang nakagawian ay makagsabay pa raw silang kumakain noong mga huling araw nito. 

Abala rin daw si Brian sa rehearsals ng banda nitong Razorback at nakatakda sanang sumali sa isang drum recital. 

Pero ang hindi raw alam ni Portia, tila tumigil si Brian sa pag-inom ng prescribed medicines nito.

Nang pumanaw na si Brian, natuklusan umano ni Portia mula sa tagalinis ng condo unit ng musikero na may mga supply pa ito ng gamot na dapat sana'y ubos na nito. 

Ang tagalinis ng condo ni Brian ang madalas daw nitong utusan na bumili ng gamot kung ubos na ito.

Pahayag ni Portia: "BASED ON HIS MEDICAL CONDITION, HE HAD A MANIC-DEPRESSIVE EPISODE ON THE DAY OF JANUARY 16.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This was confirmed by the psychiatrist I talked to yesterday (Jan. 26) based on the events and activities I revealed to her." 

Kasabay nito ay kinondena ni Portia ang umano'y malisyosong espekulasyon kaugnay ng pagpanaw ni Brian. 

Wala raw katotohanang pumanaw ito dahil sa depresyon sanhi ng pagiging mag-isa nito. Wala raw itong bitbit na mabigat na saloobin na may kinalaman sa personal na buhay, pamilya o sa karera nito.

Alam daw ni Portia kung gaano siya kamahal ni Brian. 

At sa kabila ng trahedyang sinapit nito, siniguro niyang pumanaw ito na puno ng pagmamahal mula sa kanya at sa pamilya nito. 

SEEK HELP FROM EXPERTS

Sa huli, inihayag ni Portia ang kahalagahang unawain ang mga taong dumadanas ng bipolar disorder. 

Hindi rin daw dapat ikahiya ang medical condition na ito, lalo pa't maaari itong mabigyang-lunas ng doktor. 

At sa mga taong dumadanas ng matinding depresyon, importanteng ipagbigay-alam ito sa mga taong maituturing na solid support system. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TANDAAN: Ang pagkitil ng sariling buhay ay hindi sagot sa suliranin.

Sa mga nakararamdam ng depression, maaaring tumawag sa 24-hour hotlines na ito: (02) 804-4673, 0917 558 4673, at 2919 (free for Globe and TM).


Stories We Are Tracking

Brian Velasco's GF asks netizens to stop spreading video
Brian Velasco's GF asks netizens to stop spreading video
Razorback drummer Brian Velasco dies in apparent suicide
Razorback drummer Brian Velasco dies in apparent suicide


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN