Bato dela Rosa apologizes to Sharon Cuneta for making a comment about her body

IMAGE Noel Orsal

Senatorial candidate and former PNP chief Ronald "Bato" Dela Rosa apologizes to Sharon Cuneta after commenting about the Megastar's body.


Nag-apologize si former Philippine National Police Chief Ronald “Bato” Dela Rosa kay Sharon Cuneta sa ginanap na presscon ng Bato: The Gen. Ronald Dela Rosa Story, na ginanap ngayong tanghali ng Lunes, January 28, sa Valencia Events Place, Quezon City.

Humingi ng paumanhin si Bato kay Sharon dahil hindi niya sinasadyang naikumpara ang katawan ng Megastar sa sexy figure ni Beauty Gonzalez.

Si Beauty ang gumanap bilang asawa ni Bato na si Nancy, sa biopic na pinagbibidahan ni Robin Padilla.

Sa mga naunang interviews, nabanggit ni Bato na si Sharon ang favorite actress ng kanyang misis.

Sa presscon, natanong kay Bato kung bakit si Beauty ang napiling gumanap sa papel ng kanyang misis at hindi si Sharon.

Kuwento niya, “Totoo po na fan ni Sharon Cuneta ang misis ko.

"Pero nung makita niya si Beauty Gonzalez sa trailer, sabi niya, ‘Yan! ‘Yung presensiya ni Beauty Gonzalez justifies my pagkatao.’

“Noong bago kami kasal [turning to face Beauty], ganito yung katawan ni Misis, ngayon Sharon Cuneta [habang iminumuwestra ni Bato ang hugis ng katawan ng favorite actress ng kanyang asawa]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa sinabi ni Bato ay nagtawanan nang malakas ang mga tao sa presscon.

Napatayo at nag-sorry si Bato nang mapagtanto nitong puwedeng ika-offend ni Sharon ang comparison na ginawa niya sa katawan ng aktres at ni Beauty.

Isa si Bato sa mga kumakandidatong senador sa mid-term elections sa darating na May 2019.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN