Beauty Gonzalez on bashers of her bikini photos: "Sorry, ganda ng katawan ko."

IMAGE Noel Orsal / Instagram (beauty_gonzalez)

Beauty Gonzalez reveals not getting a number of roles in the past because she was fat.


Palaban si Beauty Gonzalez, 27, pagdating sa kanyang bashers.

Nitong December 2018, sinagot ng aktres ang netizens na pumuna sa kanya dahil sa madalas niyang pagpu-post ng mga larawang naka-bikini at swimsuit sa Instagram.

Kinunan ng pahayag ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Beauty sa pambabatikos sa kanya sa Instagram.

“Well, I eat bashers for breakfast. I eat them for lunch. Puwede din for dinner,” matapang na sagot niya.

Dugtong niya, “And nakakapayat siya, minsan nakakataba.

“Sa totoo lang, good and bad publicity, is still publicity. At least, pinapansin ka kesa sa hindi ka pinapansin.

“I mean, we’re in showbiz, di ba?

“Kailangan may nangyayari sa ‘yo. Okay lang. Deadma. It’s not true naman, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Beauty sa presscon ng Bato: The General Dela Rosa Story, nitong Lunes, January 28.


Stories We Are Tracking

Beauty responds to bashers of her bikini photo
Beauty responds to bashers of her bikini photo

MESSAGE TO BASHERS

Hindi rin natitinag si Beauty kung pinupuna man ang pagpu-post niya ng sexy photos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo naman, kasi hindi naman ito magtatagal. Forty [years old], makunat na ‘yan lahat.

"So, if kaya ko ipakita right now, why not?

“Hindi naman sa pagmamayabang.”

Naranasan daw ni Beauty na maging mataba noon.

“Dati kasi akong mataba. 'Tapos pumayat.

“Gusto ko ipakita katawan ko. Pinaghirapan ko ito, e.

“E, di, kung sa iba pagmamayabang yun, sorry… sorry kayo.

"E, sa akin, I’m just being proud na I’ve achieved this body and I’ve worked hard for it, and I want to inspire other people too.

“Kasi I’ve been a very fat kid and for the longest time, ang daming roles na hindi napunta sa akin because I was fat.

“And now, gusto kong ipakita, I’m ready. I’m here, I’m ready for any role.

“Sorry, ganda ng katawan ko. Pasensiya na,” kampanteng pahayag ng aktres.

INSPIRATION TO OTHER WOMEN

Mas importante raw sa Kapamilya actress na may mga babaeng nai-inspire sa kanyang transition na mula mataba ay naging sexy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, yun naman ang purpose ko, e.

“Kung marunong lang akong mag-vlog, I would love to share my secrets on how I lost my weight.

“Kasi, basically, it’s not about losing the weight.

“It’s all about taking care of yourself and feeling good about the way you look.”

Diin ni Beauty, ang purpose ng kanyang posts ay maka-inspire ng ibang kababaihan na kung kaya niyang magkaroon ng magandang katawan ay kaya rin nila.

FIRST LEADING LADY ROLE

Ang papel bilang asawa ni Gen. Bato Dela Rosa raw ang kauna-unahang pagkakataon ni Beauty na magkaroon ng leading lady role sa pelikula.

Kadalasan daw kasi ay puro supporting roles ang nakukuha niya.

“Thankful ako, lahat ng hard work may naibubunga rin pala.

“Totoo yung sinasabi ni Bato na don’t stop dreaming, just work hard, and prayers talaga.

“I’m still floating right now kasi talagang from Kadenang Ginto, yung show namin, ang taas ng ratings, and to this movie… I’m sure this movie will do well.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m just taking it one step at a time," pahayag ni Beauty.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN