Lani Misalucha supports Regine Velasquez's decision to transfer to ABS-CBN

IMAGE Noel Orsal

Lani Misalucha appeals to netizens to respect Regine Velasquez's decision to transfer to another network: "Irespeto natin yun and alam niya kung ano yung best for her."


Masaya si Lani Misalucha sa naging desisyon ng malapit na kaibigang si Regine Velasquez na lumipat sa ABS-CBN matapos ang halos dalawang dekadang pamamalagi sa GMA-7.

Matagal nagkasama sina Lani at Regine sa bakuran ng Kapuso network—mula sa Sobrang Okey Pare (SOP) at sa huli nilang show na The Clash noong 2018.

Pumirma si Regine ng exclusive contract sa ABS-CBN noong October 17, 2018.

Suportado ni Lani ang naging hakbang na ito ng kaibigan.

Saad niya, “E, di ba, ang bongga. You know, it is her decision to be there and I am happy for her.

“And it really did good for her.”

Dagdag pa ng Asia’s Nightingale, dapat irespeto ng mga tao ang naging desisyong ito ng Asia’s Songbird.

“So, kung minsan hindi naintindihan ng ibang tao but then, you know, yun yung desisyon ng tao.

“Irespeto natin yun and alam niya kung ano yung best for her.

“And I am really just happy for her and I think she’s happy, and I can see that she’s enjoying herself.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala raw idea si Lani sa balak ni Regine noon na lumipat ng istasyon habang tumatakbo pa sa ere ang The Clash.

Aniya, “Hindi ako... hindi ko alam. Later on na lang nung medyo matatapos na yung The Clash nasabi niya.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lani bago magsimula ang grand presscon ng Valentine’s concert nila ni Martin Nievera, ang Timeless Classics, ngayong Martes ng tanghali, January 29, sa ballroom ng Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.

TIMELESS CLASSICS

Two years ago na ang huling concert ni Lani at ng Concert King na si Martin.

Dito sa Timeless Classics, tinitiyak nilang may bagong mapapanood ang mga tao sa February 14 sa PICC Plenary Hall.

Masaya raw si Lani na muli niyang nakasama sa proyekto si Martin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Noel Orsal

Sabi niya, “It is always a joy to be working with Martin Nievera.

“Not only he’s a very good artist, he makes it a point that yung gagawin naming show ay maganda.

“Sana nga talagang mag-enjoy yung mga taong pupunta.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN