Lolit Solis gets entangled in Kris Aquino Vs Nicko Falcis battle

IMAGE @akosilolitsolis / CTTO via @rbchanco / @nix722 Instagram

Lolit Solis says she just retold the rumor she heard about Nicko Falcis; jokes that Kris Aquino should pay her lawyer's fees should Nicko sue her.  


#KrisAquinoVsNickoFalcis

Inihayag ng veteran columnist/talent manager na si Lolit Solis na nakarating sa kanyang may balak siyang kasuhan ni Nicko Falcis. 

Sa Instagram post ni Lolit noong January 27, Linggo, nakasaad na nakuha niya ang impormasyon mula sa tabloid columnist na si Mercy Lejarde. 

Si Nicko ang dating endorsement closer/talent agent/managing director ng digital company ni Kris Aquino na Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP).

Kasalukuyang nahaharap sa legal battle sina Kris at Nicko.

Sinampahan ni Kris ng 44 counts of qualified theft si Nicko noong October 12, 2018.

Sinampahan din ni Kris ng 9 counts of cyberlibel ang kapatid ni Nicko, si Atty. Jesus "Jess" Falcis, noong Nobyembre 2018.

Kaugnay ito ng paninira diumano ng abugado sa actress/TV host/web star sa social media.

Nito namang January 18, 2019, sinampahan ni Nicko ng 2 counts of grave threats si Kris.

Ito ay matapos pagbantaan ni Kris sa telepono na "ipapapatay" niya sa pamilya Aquino si Nicko dala ng kanilang alitan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOLIT'S POST

Tila pati si Lolit—na mas kilala sa tawag na Manay Lolit—ay nadadawit na rin sa isyu.

Ito ang kabuuang post ni Lolit (published as is):

"Naku Salve ha, tinawagan ako ni Mercy Lejarde at sinabi na balita daw kakasuhan ako ni Nicko Falcis. Bakit? Why? Hindi ko ma-understand.

"Gusto ko tuloy tawagan si. atty Norman Golez at Biboy Malaya para mag-consult, pero naisip ko balita pa lang naman. Naku talagang ako lagi hinahabol ng intriga, kahit hindi ako kasali bigla nadadamay ako.

"Sa edad na 72 sa May madi-demanda pa ako, grabe naman, huh huh.

"To think na nalimutan nga ni Kris Aquino ipadala ang christmas gift ko at ang promise niya na every three months supply ng gc ng S&R tapos may kaso pa ako. At I don’t know why ha?

"Kaya Salve dapat na talaga mag-meeting kami ni Atty. Norman at Atty. Biboy para mapayuhan ako sa aking gagawin at bakit ako nasali dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kris, bakit ako nasali? Cris Roque why? Bakit Leo Espinosa? Ay naku, me and my being so clueless huh huh. #lolitkulit #instatalk #71naako"

Ang "Salve" na tinutukoy ni Lolit ay ang entertainment editor ng Pilipino STAR Ngayon na si Salve Asis.

View this post on Instagram

Naku Salve ha, tinawagan ako ni Mercy Lejarde at sinabi na balita daw kakasuhan ako ni Nicko Falcis. Bakit? Why? Hindi ko ma-understand. Gusto ko tuloy tawagan si. atty Norman Golez at Biboy Malaya para mag-consult, pero naisip ko balita pa lang naman. Naku talagang ako lagi hinahabol ng intriga, kahit hindi ako kasali bigla nadadamay ako. Sa edad na 72 sa May madi-demanda pa ako, grabe naman, huh huh. To think na nalimutan nga ni Kris Aquino ipadala ang christmas gift ko at ang promise niya na every three months supply ng gc ng S&R tapos may kaso pa ako. At I don’t know why ha? Kaya Salve dapat na talaga mag-meeting kami ni Atty. Norman at Atty. Biboy para mapayuhan ako sa aking gagawin at bakit ako nasali dito. Kris, bakit ako nasali? Cris Roque why? Bakit Leo Espinosa? Ay naku, me and my being so clueless huh huh. #lolitkulit #instatalk #71naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

ATTY. JESS AND NICKO REPLY

Sa mismong post ni Lolit direktang sumagot ang magkapatid na Nicko at Atty. Jess.

Inungkat ni Atty. Jess ang pagpapakalat umano ni Lolit ng maling impormasyon tungkol sa alitan nina Kris at Nicko.

Nang-intriga raw si Lolit na mayroon pinopondohang "boyfriend" si Nicko kaya nito pinagnakawan si Kris.

Si Lolit din umano ang unang tumukoy na si Nicko ang kaalitan ni Kris.

Gayong noong panahong iyon ay hindi pa pinapangalanan ni Kris kung sino ang taong sumira raw sa kanyang tiwala at inaakusahan niya ng pagnanakaw.

Ito ang kabuuang pahayag ni Atty. Jess, na may Instagram handle na @jesusfalcis (published as is):

“Miss Lolit Solis, kayo po ang unang nag pangalan sa Kuya ko. Tapos ginawan mo pa ng intriga na mah billionaire boyfriend sya sa Bangkok na pino-pondohan kaya sya nag nakaw (so pinaniwalaan mo agad si Kris at binastos mo by gay shaming ang Kuya ko at dinamay mo ang walang kinalaman na tao na si Peach Chirathivat sa mga kasinungalingan na jowa sya ng Kuya ko, FYI straight si Peach at maganda ang girlfriend).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Libelous po yung mga posts nyo last year.

"Wala pa namang ikakaso, wala pa.

"You should reflect on how you helped Kris Aquino’s smear campaign and maybe message Kuya to explain why you posted such things and in my opinion, you should ask for an apology for the blatant lie and rumor-mongering you fostered."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi nabanggit kung saan nailathala o umere ang diumano'y paninira ni Lolit kay Nicko.

Pero sinegundahan ni Nicko ang kapatid at sinabing si Lolit ay isang "paid journalist" na nasa "payroll" ni Kris.

Ito ang kabuuang pahayag ni Nicko, na may Instagram handle na @nix722 (published as is):

"We fully know our rights, documenting all released biased media against me and you better be careful with your libelous statements since we are private individuals. 

"We knew how she played it through you, Darla and the rest of the paid journalists in her payroll, as she maintained her image as the victim last year.

"Remember, I’m an accountant so I see how things get distributed.

"You actually confessed receiving money and GCs from her on a regular basis in one of your posts. 

"So just own up to your mistakes and leave me and my family alone."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HANDS-OFF ON KRIS-NICKO ISSUE

Nanindigan naman si Lolit na labas siya sa alitang Kris at Nicko.

"Aba, ewan ko kung bakit ako nasali dito, 'no?" pakli ni Lolit nang tanungin ito ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa binabanggit niyang kakasuhan din siya ni Nicko.

Nakapanayam ng PEP.ph at ilang pang entertainment reporters si Lolit sa presscon ng Timeless Classics, ang Valentine concert nina Martin Nievera at Lani Misalucha.

Patuloy ni Lolit, "Hindi nga ako binibigyan ng G.C. [gift certificate] ni Kris Aquino, nahinto na ang pagbibigay sa akin ng S&R tapos, madedemanda pa ako? My god!"

Hindi raw maintindihan ni Lolit kung bakit siya nadadawit sa isyu.

"Nagtaka ako. Parang wala akong matandaan na isinulat na masama against them or whatever.

"Baka hindi nila naiintindihang mabuti yung posting ko. Kaya siguro, kailangang basahin muli nila para malaman nila.”

Ang siste, base na rin sa reply ni Atty. Jess, si Lolit ang mismong nagpakalat na pinagnakawan ni Nicko si Kris dahil may boyfriend itong pinopondohan sa Bangkok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mariin itong itinanggi ni Lolit.

"Wala akong sinabing ganun," kontra-pahayag niya.

"Ang sinabi ko, ang balita daw, chu chu chu! In-enumerate ko yung balitang kumakalat.

"Pero hindi ko sinasabi... hindi ko naman kilala, ni hindi ko nga alam ang mga mukha nila, 'no.

"So, paano ko masasabi kung ganun sila?"

NO REASON TO SAY SORRY

Ano ang reaksiyon ni Lolit na kailangan daw niyang humingi ng tawad kay Nicko?

Sagot ni Lolit, "Ano ang kailangan kong i-apologize? Wala naman akong natatandaang ginawa ko.

"Paano ako mag-a-apologize, e, hindi ko naman alam kung anong kasalanan ang ginawa ko?"

Tila nagbibirong umapela pa si Lolit na tulungan naman siya ni Kris sakaling sampahan siya ng reklamo ng Falcis brothers.

“Basta, Kris, ikaw ang magbayad ng lawyer ko. Dyusko, nadedemanda ako dahil sa ‘yo, ‘no!”

Tahasan ding itinanggi ni Lolit na isa siya sa mga binabayaran ni Kris para isulat o ipagtanggol ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Depensa ni Lolit: "'Eto na lang, nagtrabaho si Nicko kay Kris. All the while na nagtatrabaho si Nicko kay Kris, alam niya kung sino ang binabayaran ni Kris. 

"Nandoon ba ako sa listahan na binabayaran ni Kris? Ikaw ang makakapagpatunay na wala ako dun.

"So, bakit mo sasabihing binabayaran ako ni Kris?”

Sabay pabirong dagdag ni Lolit, “Ikaw na lang, Nicko, ang magbayad sa akin. Matutuwa pa ko.”

HOW WILL KRIS-NICKO BATTLE END?

Sa huli, hiningan ng reporter na ito ang beteranang kolumnista ng mensahe para sa magkaalitang Kris at Nicko.

"Kay Kris, I feel sad for her," sambit ni Lolit.

"Kasi, kahit naman sino kapag ganito ang nangyayari, parang stressed ka, di ba? 

"Kay Nicko rin, dapat tingnan mo rin mabuti. Hindi yung banat nang banat. Kailangan tingnan mong mabuti yung mga sinasabi mo.

"Like, in my case, paano mo sasabihing bayaran ako? Nagtrabaho ka kay Kris, nandoroon ba ako sa payroll?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang nakikita niyang ending sa legal battle ng dalawa?

Pagsusuri ni Lolit, "Well, kasi kapag ni-hire mo ang isang tao, kahit paano meron na kayong relationship.

"Siguro if you’ll look back, may pinagsamahan naman sila, puwede silang magkabati.

"Ngayon, kung sa tingin nilang talaga, ang sama ng pinagsamahan nila, hindi nga sila magkakabati. 

"Depende yun sa kanilang dalawa, e."

Dugtong pa niya, "Lahat naman tayo expectators lang, hindi naman natin talaga alam kung ano ang nangyayari dun."
 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN