JM de Guzman reacts to netizen asking him to be her baby's daddy

IMAGE Noel Orsal

JM de Guzman jokingly says yes to netizen asking him to be her baby daddy.


Tila nakatuwaan ni JM de Guzman na makipagkulitan sa isang fan na pumukaw sa kanyang atensiyon ngayong araw, January 29. 

Ito ay matapos ibahagi ng Kapamilya actor ang kanyang close-up picture na agad kinakiligan ng Instagram followers niya. 

View this post on Instagram

????

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman) on

Isang netizen na may handle na @princess_shy1209 ang naglakas-loob na humingi ng pabor kay JM. 

Base rito ay nais daw ng netizen na maging baby daddy ang 30-year-old actor. 

Pabirong saad ng netizen, "Generous ka naman db? Isang baby lang please."

Game namang nakipagbiruan si JM. 

Natatawang pagpayag niya, "@princess_shy1209 hahahhahahahahhahahaha sige." 

Tila natuwa naman ang netizen sa simpleng pagsagot ni JM sa komento niya. 

Kalakip ang laughing with tears emojis, sabi ni @princess_shy1209: "sige ha!! pag yan d mo tinupad

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE @1migueldeguzman Instagram

Narito ang ibang comments ng netizens na naguwapuhan kay JM: 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STILL SINGLE

Matagal nang single ang status ni JM, pero may ilan ding aktres ang naiugnay sa kanya. 

Pinakahuli rito ay si Barbie Imperial, leading lady ni JM sa now-defunct ABS-CBN prime-time series na Araw Gabi

Naiulat ang pagpapadala ni JM ng mga bulaklak at love letter kay Barbie noong November 2018.

Pero kailanman ay walang inamin sina JM at Barbie na sila na. 


Stories We Are Tracking

Barbie posts photo with JM after social media controversy
Barbie posts photo with JM after social media controversy
Barbie Imperial:
Barbie Imperial: "Uy, hindi pa po kami ni JM ah!"
Is this Barbie's response to rumored rift with JM?
Is this Barbie's response to rumored rift with JM?
JM de Guzman slams basher amid issue involving Barbie, Rhian
JM de Guzman slams basher amid issue involving Barbie, Rhian


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN