Mika dela Cruz admits giving up on playing lead roles before Kara Mia

IMAGE Noel Orsal

Mika dela Cruz opens up about feeling down in the past because three major roles that were given to her did not push through, and finally playing a lead role in an upcoming prime-time series.


Dumating daw sa puntong sumuko na si Mika dela Cruz, 20, na mabibigyan pa siya ng lead role at ang tanging gusto na lamang niya ay magkaroon ng trabaho.

“Actually, sa akin, umabot ako sa point na parang… hindi naman sa ayaw ko na… hindi na ako nag-i-expect.

“Hindi na ako nag-i-expect na mabibigyan ako ng bida sa teleserye.

“Wala na yun sa akin. Andun na ako sa point na gusto ko lang magtrabaho, kung anong ibigay, go!" saad ni Mika sa pocket presscon ng upcoming GMA prime-time series na Kara Mia noong January 24.

Fourteen years nang nasa showbiz si Mika, at lumipat siya sa bakuran ng GMA Network noong December 2016.

Nagsimula siya bilang child star sa bakuran ng ABS-CBN.

Ayon pa kay Mika, “Andami din kasing dating projects within two years na dapat magpu-push through for me.

"Sa dalawa, tatlo, hindi nag-push through lahat."

Ano ang pakiramdam na hindi natuloy ang mga proyektong dapat sana ay mapupunta sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na-down siyempre," pag-amin ng nakababatang kapatid ni Angelika dela Cruz.

“Sa una, mada-down ka talaga, kasi tatlo yun, e.

“And looking back sa mga projects na yun, sobrang pumatok lahat.

"So, parang nung una, parang, ‘A, baka talagang hindi para sa ‘kin.”

Hindi tinukoy ni Mika kung ano ang mga proyektong nawala sa kanya.

TIMING IS EVERYTHING

Nang maibigay sa kanya ang Kara Mia, kung saan sila ni Barbie Forteza ang lead stars, naisip daw ni Mika na hinanda lang siya para sa malaking break.

“Pero yun po, pag para sa ‘yo talaga, feeling ko, pine-prepare ka talaga.

"Feeling ko, ito yung dapat. Ito yung tama."

Hindi raw siya naniniwala dati sa timing. Subalit dahil sa kanyang karanasan, naramdaman niyang totoo ito.

“So, feeling ko, timing din talaga ni God, e.

“Minsan, hindi mo na ini-expect, minsan hindi mo na ginagawa lahat para makuha yun.

“Kumbaga, pag na-appreciate mo yung simpleng blessings na meron ka, biglang may dumating.  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung panahon na wala na sa akin kung malaking role, kung anong maliit na role, wala na yun sa ‘kin.

“So, nakakatuwa po. Unexpected.

“Very grateful po dahil may timing po pala talaga.

“Totoo pala talaga.

“Dati, ako, ‘Timing-timing, wala namang timing,’ di ba?

“Pero totoo pala na pag para sa ‘yo [ibibigay talaga].”  

Tampok din sa Kara Mia sina Jak Roberto, Paul Salas, John Estrada, Glydel Mercado, Mike Tan, Alicia Alonzo, Gina Pareño, at Carmina Villarroel.

Magsisimula itong umere sa Kapuso network sa February.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN