Sunshine Cruz reveals she almost joined Binibining Pilipinas in the past

IMAGE @sunshinecruz718 on Instagram

Sunshine Cruz on Botox: "Botox might not work sa field ng mga artista kasi kailangan naming ng expression at lines. I have nothing against the procedure though. Their face, their money, not my business."


Ibinunyag ni Sunshine Cruz, 41, na sasali siya dapat noon sa isang national beauty pageant, subalit hindi ito natuloy dahil gumawa na siya ng sexy movies.

Ito ang inamin ng aktres nang banggitin ng isang netizen na dapat ay sumali si Sunshine sa beauty pageant dahil sa tangkad nitong 5’8”.

Nitong January 29, Martes, nag-post sa Instagram si Sunshine ng kanyang picture kasama ang anak na si Samantha.

Sa comments section, sinabi ng netizen na posibleng manalo ng major crown si Sunshine kung sumali siya ng Binibining Pilipinas.

Sumagot dito si Sunshine.

Aniya, siya sana ang ipapalit sa isang na-dethrone na beauty queen, pero hindi natuloy dahil sa paggawa niya ng sexy films.

Umaasa naman si Sunshine na isa sa kanyang tatlong anak na babae ay maging beauty queen in the future.

Buong sagot ng aktres: “I was supposed to represent when someone got dethroned pero I started doing sexy films kaya hindi na pwede. It’s not meant for me. Baka isa sa kids ko ang mas may karapatan to join.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa sa requirements ng aspiring beauty queens ay hindi pa nagkakaroon ng pictorial o pelikula na sobrang sexy o may hubaran.

NO TO BOTOX

Samantala, noong nakaraang linggo ay nakisali si Sunshine sa 10-year challenge, kung saan ipu-post ng isang netizen ang kanyang before-and-after pictures pagkalipas ng 10 taon.

Sa comments section, pinuri ng isang netizen ang hitsura ng aktres na tila walang ipinagbago after 10 years.

Dagdag pa ng netizen, “Pero sana walang daya, I mean walang Belo or Botox, kundi, disqualified.”

Sumagot din ang aktres dito.

Aniya, hindi siya nagpa-Botox dahil hindi ito makakabuti sa mga artista pagdating sa pag-arte.  

Gayunpaman, hindi raw siya kontra sa mga artistang gustong magpa-Botox.

Buong sagot ni Sunshine: “aww I actually have deeper laugh lines, etc. botox might not work sa field ng mga artista kasi kailangan naming ng expression at lines. I have nothing against the procedure though. Their face, their money, not my business.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN