Lani Misalucha will not endorse candidates in 2019 mid-term elections

IMAGE Noel Orsal

Lani Misalucha on not endorsing any candidate in the upcoming polls: "Ayaw kong ma-identify kung kanino man."


Sinasabing malaking oportunidad para sa mga artista o showbiz personalities na madagdagan ang kanilang kita sa pamamagitan ng pagraket sa kampanya ng mga kumakandidato tuwing eleksyon—lokal man o national.

Pero sa paglipas ng panahon, marami na ring artista ang hindi nag-e-endorso ng mga tumatakbo sa halalan.

Katulad na lamang ng Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha.

Bakit kaya ayaw niyang mag-endorso ng kandidato sa 2019 mid-term elections?

Tugon ni Lani, “Wala. Wala, ay, mahirap din! Ayaw kong ma-identify kung kanino man."

Sa pagkakatanda ni Lani, magta-tatlong dekada na noong huli siyang mag-endorso ng kandidato.

Pag-alala pa niya, “Siguro, the only time na mayroon akong tinutukan, e, matagal na matagal na, sa presidentials—si Jovito Salonga.”

Tumakbo ang namayapang si former Senator Jovito Salonga sa pagkapangulo ng bansa noong taong 1992, ngunit natalo siya ni Fidel Ramos.

Bakit niya inendorso noon si Salonga?

Tugon ni Lani, “Because I believe in the person.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lani sa grand presscon ng Timeless Classics concert nila ni Martin Nievera kahapon, January 29.

Gaganapin ang Valentine concert ng Asia’s Nightingale at Concert King sa February 14 sa PICC Plenary Hall.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN