Moi Marcampo recalls heartbreak over Piolo Pascual

IMAGE Moi Marcampo Instagram

Moi Marcampo: "Nung nakikita ko na umaalis sila na hindi ako kasama, parang naiinggit ako. Nadudurog ang puso ko."


Ibinalita ni Moi Marcampo na wala na siya sa poder ni Piolo Pascual bilang personal assistant.

Kuwento ng character actress, “Wala na po ako kay Papa P as personal...

“Meron akong mga utos na lang na kailangan niya na malalaking utos sa akin.

“Gaya nang pag may birthday na kailangang asikasuhin, like, yung birthday niya recently.

“Kasi cook ako, e, nag-aral ako ng culinary; pinag-aral niya ako ng culinary… nung 2010 pa.

“So, pag may importante siya kailangang magluto, may magpa-party, ako yung involved doon.”

Bago nag-aral ng culinary ay napabilang rin si Moi sa Survivor Philippines, isang reality-adventure franchise show mula sa abroad at ipinalabas sa GMA-7.

Sixteen years nakasama ni Moi si Piolo.

Nang natapos ang serbisyo niya sa aktor nung 2016, nagkaroon daw siya ng separation anxiety o sepanx.

Aniya, “Noong una, siyempre kasi sobrang close namin, ‘tapos nung nakikita ko na umaalis sila na hindi ako kasama, parang naiinggit ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nadudurog ang puso ko.

"Kasi sanay ako na ako yung nauuna sa kotse, ako yung unang umaakyat.

“'Tapos nakikita ko na pumupunta sila sa Baguio, hindi ako kasama, alam mo yun?

"Pero mga ilang months lang."

Pati sa travels ni Piolo ay hindi na raw isinasama si Moi.

“Oo, ganun. Pero okey na ako, parang super-super friends na ganyan-ganyan.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Moi sa media-blog conference para sa 10th anniversary ng Spring Films at special screening ng pelikula nilang Kuya Wes.

Ginanap ito sa Cine Adarna, UP Diliman, noong Lunes, January 28.

LUCKY BREAKS

Masayang-masaya si Moi na mapabilang sa mga artistang naging bahagi ng Spring Films sa sampung taon ng production company sa Philippine movie industry.

Si Piolo ang isa sa founding producers ng Spring Films, bukod sa TV & film director na si Joyce Bernal at talent manager na si Erickson Raymundo.

Ang Kuya Wes na pinagbibidahan ni Ogie Alcasid ang latest movie ni Moi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-umpisa siya bilang artista sa tatlong magkakasunod na Kimmy Dora series na gawa rin ng Spring Films at pinagbidahan ni Eugene Domingo.

Pahayag ni Moi, “Masaya po ako kasi napaunlakan ako, kasi aksidente po itong nangyari na mapasama ako sa Kimmy Dora po.

“Hindi po ako dapat doon, pero dahil wala na silang makuha at gusto ni Direk [Joyce] yung karakter ko sa bahay, ako po yung pinadala nila sa shooting.

“Naghahanap sila ng gaganap sa role ko nun, kaso lang si Direk kasi laging nagpupunta sa bahay.

“Yung balitaktakan namin ni PJ [Piolo] every day, kung paano kami mag-amo, gusto niyang dalhin sa movie.

“Pero ayoko kasi hindi naman ako artistahin.”

Bukod sa Kimmy Dora ay nakasama rin si Moi sa projects ng Star Cinema at Regal Entertainment, Inc.

Pero kahit matatawag ng artista si Moi, hindi pa rin niya ikinukunsidera ang sarili na isang aktor.

Para lang daw siyang naglalaro kahit seryoso siya sa kanyang trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Siyempre pag nagtrabaho, kailangang seryoso ka…

"Pero alam mo yun, hindi ako nagpi-feeling na artista ako.”

Sa buong acting career ni Moi, never daw nagkaroon ng problema kay Piolo.

Paliwanag niya, “Kasi po hinahayaan niya akong mag-work, kasi siya rin ang nagpasok sa akin dito.

“So, pag merong work, go lang go.”

ON HER OWN

Nakatira ngayon sa isang condo unit si Moi na pag-aari niya.

Masaya niyang balita, “Meron akong sariling unit na, nabili ko na, yes, sa tulong po din sa kanila, mga boss ko.

“Tatlo sila, e—sina PJ, Direk Joyce. Yung pinakaano, si Boss Erick.

“Ako naman ang nag-down, pero yung mga work ko kasi galing sa kanila, so blessing.

“Yung may mga project ako dahil sa kanila yun, alam mo na yung kunek-connect.

“Nakikilala ako dahil sa kanila, 'tapos si Erick dahil may kakilala sila na isasama ako sa teleserye, mga ganun.”

Dahil walang specific job description ang estado ng trabaho ni Moi sa showbiz, binigyan niya ito ng mas malinaw na paliwanag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Ganito kasi yun, meron akong work sa kanila na basic salary.

“Pag may shooting, taping ako, tabi lahat ng work; priority yung work ko sa kanila.

“Bilang nagtatrabaho din sila sa showbiz, naiintindihan nila.

“Kunwari, sasabihin ko may call ako bukas, deadma ko na sila.”

At kahit daw may taping o shooting siya, didiretso pa rin raw ang salary ni Moi sa tatlong nabanggit.

“Opo, opo, yun naman ang usapan namin,” pagpapatunay niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN