Janine Gutierrez says Rayver Cruz busier now at GMA Network than she is

IMAGE Noel Orsal

Janine Gutierrez on playiong her dream role: "I always used to say din na kung makakapili ng kahit na anong dream role, ang dream is Khaleesi ng Game of Thrones. But the difference is, hindi lang ako may alagang dragon, ako na mismo ang dragon, so masyadong mabait si Lord at ginalingan Niya masyado."


Abala ngayon si Janine Gutierrez, 29, sa pagpu-promote ng kanyang bagong pelikula, ang Elise.

Magsisimula na rin ang kanyang bagong afternoon drama series sa GMA-7, ang Dragon Lady.

Secure ba ang rumored boyfriend niyang si Rayver Cruz, 29, sa pagiging busy ni Janine sa kanyang career?

Paglilinaw ng Kapuso actress, “Honestly, mas busy siya kesa sa akin.

“A lot of people assume since Kapuso na rin siya, mas nakikita ko siya, pero kabaliktaran yung nangyari.”

Muling bumalik si Rayver sa bakuran ng GMA-7 noong September 2018 matapos ang 18 taon sa ABS-CBN.

Sa Kapuso actor nagsimula si Rayver bilang child actor.

Dugtong ni Janine, “Nung lumipat siya ng GMA, mas hindi ko na siya nakikita, because he has work every day.

“M-W-F, meron silang Asawa Ko, Karibal Ko with Kris Bernal. T-Th, he has Studio 7.

“And he has pa shoots, kung anu-ano… so, honestly, mas busy siya sa akin, which is good.”

Paniniyak naman ng dalaga, “I’m happy for him and he’s also really happy with his move.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m happy that he gets to work with Rodjun [Rayver’s brother].

“Natutuwa ako pag nagsasayawan sila sa Studio 7. He’s busier.”

Kumusta ang oras nila para sa isa’t isa?

“Nabawasan, but it’s great because we both prioritize work before anything else.

“He’s also saving up for his own things, I’m saving up for my own things, so support lang and tiwala.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Janine sa media conference ng Dragon Lady nitong January 30, Miyerkules.


Stories We Are Tracking

Rayver reveals reason for leaving ABS-CBN, returning to GMA
Rayver reveals reason for leaving ABS-CBN, returning to GMA

STRONG CHARACTER

Sa Dragon Lady, gagampanan ni Janine ang isang babaeng isinilang na may hitsurang dragon at may mga katangian ng isang dragon.

Makakapareha ni Janine dito si Tom Rodriguez.

Kumpara sa previous characters niya, palaban ang role ni Janine sa upcoming teleserye kaya excited siya.

“I guess to break that notion na sweet girl lang ako or hindi kayang lumaban. Ang kaya lang [gawin] umiyak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m glad that I’ve been given this chance kasi during my last show, yun ang hinihingi sa akin ng mga Kapuso na sana mas maging palaban, sana mas maging independent, which I’m really glad…

“That happened naman in the end of Victor Magtanggol, but now, it’s on a whole other level na talagang mapapakita mo yung female empowerment and talagang hindi mo siya mapapatumba.

“Kung ano man ang characteristics ng isang dragon, mapapakita.”  

Dagdag pa ni Janine, ang kanyang bagong project ay halos katuparan ng kanyang dream role.

“I always used to say din na kung makakapili ng kahit na anong dream role, ang dream is Khaleesi ng Game of Thrones," pagtukoy niya sa dragon queen na ginagampanan ni Emilia Clarke sa HBO series.

“But the difference is, hindi lang ako may alagang dragon, ako na mismo ang dragon, so masyadong mabait si Lord at ginalingan Niya masyado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I guess this is as close as it gets to that dream role of mine,” masayang saad ng Kapuso actress.  


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN