Ciara Sotto non-showbiz boyfriend looks at home with her family

IMAGE @pinaypole Instagram Story

Ciara Sotto posts more photos showing her non-showbiz boyfriend Ian Austin's carrying her nearly four-year-old son (left photo). The couple also has a photo with Ciara's brother Gian Sotto, who has been vocal about the actress' blooming love life.


Nakapiling na ulit ni Ciara Sotto ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Ian Austin. 

Base ito sa magkakasunod na Instagram Story ni Ciara kahapon, January 30. 

Todo ang ngiti ni Ciara habang nagpapakuha sila ng litrato ni Ian. Kasama rin nila ang mag-a-apat na taong gulang na anak ng 38-year-old actress.

Tila kumportableng nakaupo pa ang anak ni Ciara sa leeg ni Ian, habang hawak ng aktres ang kamay ng bata. 

Nakayakap naman si Ian sa baywang ni Ciara at magkahawak-kamay rin ang dalawa. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE @pinaypole Instagram

Sa isa pang litrato, kasama ng magkasintahan ang kapatid ni Ciara na si Gian Sotto.

 IMAGE @pinaypole Instagram

Si Gian ang unang nagbuking na may love life na ulit si Ciara noong September 23, 2018. 

Malinaw na welcome na welcome si Ian sa pamilya ni Ciara. 

Pati sa mga pamangkin ni Ciara ay may kuha ring litrato ang magkasintahan. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi binanggit ni Ciara kung saan sila namasyal, pero makikitang nasa isang indoor kids playground sila.

Sa ngayon, hindi pa idinedetalye ni Ciara kung paano sila nagkakilala ni Ian at kung kailan naging sila. 

Ang tanging impormasyon mula sa Instagram bio ni Ian ay ang U.S. at Philippine flags, na nagpapahiwatig kung saan siya nakabase. 

Nakasaad din dito na isa siyang propbuilder/sculptor.  


Stories We Are Tracking

Ciara Sotto, non-showbiz boyfriend exchange sweet messages
Ciara Sotto, non-showbiz boyfriend exchange sweet messages
Ciara Sotto reveals identity of her non-showbiz boyfriend
Ciara Sotto reveals identity of her non-showbiz boyfriend


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN