Heart Evangelista corrects impression she edits her IG photos

IMAGE @iamhearte on Instagram

Heart Evangelista defends herself against netizen who accused her of editing her photo on Instagram.


Walang ikinahihiya si Heart Evangelista pagdating sa kanyang katawan at hindi rin daw siya nag-e-edit ng mga larawang ipinu-post niya sa social media.

Ito ang tiniyak ng 33-anyos na Kapuso actress matapos mag-react ang ilang netizens sa sexy photo na ipinost niya sa Instagram ngayong Huwebes ng umaga, January 31.

Unang nagkomento ang isang netizen na nagsabing masaya siya para sa aktres na mas confident sa pagpapakita ng kanyang katawan.

“finally no more hiding,” bahagi ng komento ng netizen.

Sagot dito ni Heart: “I was never hiding just not the type to show so much [smiley] I am dressed a certain way for what I’m doing [smiley].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May malisya naman ang komento ng isa pang netizen.

Kinuwestiyon ng netizen ang pagkapayat ng aktres at sinabing edited daw ang larawan.

Diretsong sagot ni Heart: “I dont edit. I work out [smiley]”

Isa si Heart sa mga artistang sumasagot sa netizens kapag hinihingi ng pagkakataon, kabilang na rito ang pagsagot sa bashers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May ilang pagkakataon na rin siyang sumagot sa netizens na kumukutya sa kanyang itsura.

Noong nakaraang taon, idinaan ni Heart sa social media ang pag-amin na biktima siya ng bullying noong bata siya.

 


Stories We Are Tracking

Heart Evangelista:
Heart Evangelista: "I will never be perfect."
Heart Evangelista receives apology from former bully
Heart Evangelista receives apology from former bully
Heart Evangelista cries over apology of high school bully
Heart Evangelista cries over apology of high school bully


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN