Ai-Ai delas Alas willing to undergo in vitro fertilization to get pregnant

IMAGE Arniel Serato

Ai-Ai delas Alas will try all options to conceive a baby, including dancing at Obando Fertility Rites: "Oo, lahat naman pinagpi-pray namin, pati kay Apung Mamacalulu, yung pinupuntahan ko lagi sa Angeles [Pampanga]... lahat. Prayers can move mountains and prayers... lahat kaya niyang gawin basta bahala si Lord."


Sa January 2020 ang target ni Ai-Ai delas Alas, 53, at ng mister nitong si Gerald Sibayan, 24, na magkaanak.

Susubukan daw nilang makabuo ng bata sa susunod na taon.

Pero kung hindi man ito mangyari, susubukan daw nila ang in vitro fertilization (IVF).

Pahayag ng Comedy Queen, “Oo, siyempre hindi na din naman ako bumabata.

"In case na hindi makuha sa normal, e, di dun tayo sa puwedeng may help ng science.”

Si Ai-Ai ay Papal Awardee kaya inusisa sa kanya kung hindi ba labag sa simbahan kung sasailalim siya sa in vitro fertilization.

Paglilinaw niya, “As help lang naman, e.

"Basta pag help lang naman, I think okay naman yun and it’s still life.

"Ang kinondena lang naman, e, yung mga abortion.

"Ito naman, kumbaga gagawa ka ng buhay, so I think God can understand."

Kinukunsidera rin kaya nina Ai-Ai at Gerald ang pagsasayaw sa Obando, Bulacan?

Maraming mag-asawang hindi nagkakaanak ang naniniwalang may pag-asang makabuo sila ng sanggol kapag sumali sila sa Obando Fertility Rites tuwing buwan ng Mayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ng Sunday PinaSaya star, “Oo, lahat naman pinagpi-pray namin, pati kay Apung Mamacalulu, yung pinupuntahan ko lagi sa Angeles [Pampanga]... lahat.

"Prayers can move mountains and prayers... lahat kaya niyang gawin basta bahala si Lord.”

Nagpakonsulta na ba si Ai-Ai sa doktor upang suriin kung kaya pa niyang magbuntis sa edad na 54?

Sagot niya, “A, kaya pa naman.”

Biro pa sa kanya: active ba ang sex life nilang mag-asawa?

Natatawang sagot ni Ai-Ai, “Active naman kami parati, pero yung pagbubuntis is next year na!”

Kapag natuloy raw ito, isang taong magpapahinga sa showbiz ang komedyana.

"That’s why ngayon hinahataw ko lahat, kasi magri-rest talaga ako, bedrest.

"Lahat ng kayang gawin para magkaroon kami ng anak.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media si Ai-Ai sa presscon ng upcoming Valentine concert na Hitmakers and Ai ngayong Huwebes ng tanghali, January 31.

Ang Hitmakers and Ai ay gaganapin naman sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila, sa February 15.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makakasama ni Ai-Ai sa concert ang Hitmakers na sina Rey Valera, Marco Sison, at Hajji Alejandro.

 IMAGE Arniel Serato


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN