Ruru Madrid clarifies relationship status with Bianca Umali

IMAGE Noel Orsal

Ruru Madrid on relationship with Bianca Umali: "Yung tungkol po sa aming dalawa, masasabi ko po na hindi pa po... hindi pa."


Halatang iniiwasan na ni Ruru Madrid, 21, ang mga tanong tungkol sa napapabalitang relasyon nila ni Bianca Umali, 18.

Sa presscon ng upcoming Kapuso drama series nila ni Kylie Padilla na TODA One I Love kahapon, January 30, tila iniba ni Ruru ang topic nang tanungin kung kumusta ang love life niya.

Aniya, “Sabi ko na nga ba, eto na nga po, e!

“Ayun, siyempre po sobrang love ko po talaga ang work ko ngayon… nae-enjoy ko.”

Pero humirit ang co-star niyang si Gladys Reyes, na katabi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) habang ini-interview si Ruru, “‘Yan yung showbiz [na sagot], e, yung totoo naman?”

Paliwag ng binata, “Hindi… kasi para sa akin ngayon kasi, talagang priority natin ang TODA One I Love.

“Siyempre ako, bilang artista, gusto ko magustuhan talaga ng mga tao ito.”

May nagtanong naman kay Ruru kung naiintindihan ni “B”—na ang tinutukoy ay si Bianca—na priority ng young actor ang trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Ruru, “Hindi, si B, wala naman po siya sa ano…

“Sa akin naman po kasi, siyempre hindi natin masasabi ang mga bagay na ganyan, e.

“Kumbaga ako, as long as ngayon ginagawa ko itong trabaho ko na ito, feeling ko dito tayo mas magpo-focus.

“Ako, naniniwala ako sa… kung iyan talaga ang ginawa ng Diyos para sa iyo, kung darating at darating ‘yan, darating talaga kahit pa may trabaho ka.”

So, priority niya ang career; ano ang pangalawang priority niya?

Ayon kay Ruru, “Hindi, siyempre po… hindi ko naman po sinasabing sobrang priority, career…

“Ang career po kasi, siyempre sobrang love ko ito, sobrang love ko ang craft ko, ang ginagawa ko.

“Pero iyon nga po, pagdating po sa love life na ‘yan, kung talagang iyan nga po ang ginawa ng Diyos para sa iyo, darating at darating ‘yan.

“Kahit pa may trabaho ka, kahit pa sobrang grabe yung ginagawa mo, busy ka, darating ‘yan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dumating na, hindi ba?

“Wala po, nag-aabang pa,” giit ni Ruru.

Hindi pa dumarating?

“Sa ngayon po kasi wala pa pong ganyan.”

WILLING TO CONVERT?

Muling humirit si Gladys: “Alam mo, nung kasama ko yung si B sa Daig Kayo Ng Lola Ko [taping], ang unang tinanong ko sa kanya, ‘Kung sakali ba, willing kang mag-convert?’

Miyembro ng Iglesia Ni Cristo sina Gladys at Ruru, si Bianca ay hindi.

At ano ang sagot ni Bianca?

“Willing,” bulalas ni Gladys na ikinangiti at ikina-blush naman ni Ruru.

Dahil dito, tila napilitan na si Ruru magsalita tungkol sa estado ng relasyon nila ni Bianca.

Aniya, “Hindi, sa akin naman kasi… sige na nga, diretsuhin ko po kayo…

“Yung tungkol po sa aming dalawa, masasabi ko po na hindi pa po... hindi pa.

“Sa amin kasi, kumbaga, mas nagpo-focus kami ngayon sa work, e.

“Right now, I’m doing TODA One I Love, and she’s doing… ang dami—Daig Kayo Ng Lola Ko, Sahaya

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ang dami niyang ginagawa.

“So, paano po natin ngayon ipag-aano ‘yan! Kung sakaling kami or… di ba?” natatawang sabi ng binata.

Itinuturing ba niyang inspirasyon si Bianca?

Tugon ni Ruru, “Siyempre ako, hindi ko naman po itatanggi na…

“Si Bianca, she’s one of the prettiest girls I know, hindi lang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa.

“Pero kumbaga, kahit sinong tao puwedeng magkagusto sa kanya.

“Pero sa Sunday PinaSaya kasi, sobrang magkakaibigan kaming lahat, e.

“Iisa kami, para kaming pamilya diyan, so hindi naiiwasan na nagkakasama-sama kami.

“Nagkakataon siguro na nakikita kami together, napi-picture-an kami together.

“Pero kaibigan, e, kaibigan.”

Magkasama sina Ruru at Bianca sa weekly comedy-variety show ng GMA-7 na Sunday PinaSaya.

BIGUEL LOVETEAM

Pinagbawalan ba sila ng GMA management na umamin dahil sa love team nina Bianca at Miguel Tanfelix na Biguel, na mapapanood soon sa prime-time series na Sahaya?

Sagot ni Ruru, “Wala naman po, wala naman pong ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala naman pong ganun.”

Si Ruru naman ay si Kylie Padilla ang leading lady sa TODA One I Love.

Nilinaw rin ni Ruru na never silang lumabas ni Bianca na silang dalawa lang.

“Never pa po kaming lumabas ng kaming dalawa lang, never po,” diin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Photos from Instagram (Credit to the owner)

Yung trip nila sa Japan at Siargao ay marami raw silang kasama.

“Yung iba po, trabaho.”

Yung trip nila sa Japan ay wala silang kuha na silang dalawa lang; umiiwas ba silang mapag-usapan?

Paliwanag ni Ruru, “Iyon po kasi, trabaho po yun.

“Kumbaga, siyempre yung time na yun, ayaw rin naman naming mag-post-post ng mga kung anu-ano.

“Siyempre dahil nga sa isyu, siguro naaapektuhan din po yung relationship namin bilang magkaibigan.

“Kasi nga, parang siyempre hindi natin maiiwasan, may mga BiGuel fans na sobrang-sobrang solid talaga and masasaktan sila pagka na-feel nila na meron ng ibang kasama si Bianca.

“So, yun nga po.”

Na-bash na raw si Ruru ni BiGuel fans.

“Siyempre po hindi natin maiiwasan 'yan. Dahil fan sila.

“Gusto nila silang dalawa, si Miguel and Bianca yung magkatuluyan.

“So, kami bilang magkaibigan, naapektuhan din niyan, kahit kami ni Miguel.

“Actually, kahit sa SPS nagkakailangan, siyempre because of the issue, na iniisip po ng mga tao na kami, and siyempre sa mga bash din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero we’re trying our best na maiwasan po yung ganung bagay, kasi bago pa man din mag-start 'yang isyu na ‘yan, magkakaibigan naman kaming tatlo, e.

“Na walang kahit anong, kumbaga, ilangan.”

Hindi naman daw nagbago ang pagkakaibigan nila ni Miguel.

Saad ni Ruru, “Hindi naman po. Kami ni Miguel, ever since naman para kaming magkapatid niyan, e.

“Kumbaga, kay Direk Maryo pa lang, magkasama na kami.”

Iisa dati ang manager nina Ruru at Miguel—ang namayapang direktor na si Maryo J. de los Reyes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN