Tom Rodriguez asked if he has proposed to Carla Abellana: "Sikreto."

IMAGE Noel Orsal / @carlaangeline

Tom Rodriguez on marrying girlfriend Carla Abellana: "Not in a rush, but it's definitely working up to that, so it's in the works."


Maiksi ngunit makahulugan ang mga pahayag ni Tom Rodriguez, 31, nang usisain tungkol sa planong pagpapakasal nila ng girlfriend na si Carla Abellana, 32.

“I’m not gonna lie. I’ll be 32 this year. I’m not staying I’m in a relationship just for the sake of it.

“I’m in it for the long haul, I’m in it for the long run.

"And everything I do is towards that end," paliwanag ng Kapuso actor sa presscon ng Dragon Lady, ang upcoming Kapuso afternoon teleserye na pinangungunahan nila ni Janine Gutierrez.

Ginanap ang presscon nitong Miyerkules ng gabi, January 31.

Nag-propose na ba siya kay Carla?

“Sikreto,” nangingiting sagot ni Tom.

 Ibig bang sabihin nito ay hindi pa siya nagmamadaling maikasal?

“Not in a rush, but it’s definitely working up to that, so it’s in the works,” sagot ng aktor.

Apat na taon na ang relasyon nina Tom at Carla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May timeline ba siya kung kailan niya balak pakasalan si Carla?

“For myself, yeah, I do.”

Puwede ba niyang i-reveal?

“No, not yet. Pero for myself, I know exactly…” sagot ni Tom.

Anu-ano pa ba ang kailangan niyang gawin para maitakda na ang kasal nila ni Carla?

“Actually, most of it is there. So, konti na lang.

“I don’t wanna elaborate or reveal.

“Konting technicals na lang.

“For most part, everything is on track,” saad ng Kapuso actor.

NOT JEALOUS

Bagong team-up ang matutunghayan sa Dragon Lady sa pagtatambal nina Janine at Tom.

Ano ang reaksiyon ni Carla nang malaman niyang si Janine ang makakatambal ni Tom?

Ayon sa aktor, “She’s excited. She found out almost the same way that I did… on TV. Pero she’s happy.

“Although I love working with her, she put it best… sabi niya, ‘One of us is always working.'

"Hopefully, this trend will continue up until we have our own family para may parental unit lagi sa bahay.’ Ha ha ha!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She’s happy and excited for me."

Hindi ba nagseselos si Carla na makakapareha ni Tom si Janine?

“Janine is very beautiful, but Carla is also very secure,” ani Tom.

“She’s a very secure person; very secure with herself with our line of work.”

Ang Dragon Lady ay magsisimula sa Marso.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN