Patricia Tumulak finally buries issue with Alden Richards: "Mamatay, mother's grave, hindi talaga."

IMAGE Noel Orsal

Patricia Tumulak on leaving Eat Bulaga: "Parang nandun ako for almost two years. Change is good. So, from hosting, I wanna try something different."


Matagal na nanahimik si Patricia Tumulak tungkol sa misteryosong pagkawala niya noong 2017, Eat Bulaga!, kung saan nakilala siya bilang Happy Birthday Girl.

Dati, iniiwasan niya ang isyu.

Ang sabi niya tungkol sa kanyang pag-alis sa longest-running noontime show sa bansa, “Parang nandun ako for almost two years.

“Change is good.

“So from hosting, I wanna try something different.

“Gusto ko mag-news, gusto ko mag-explore sa acting and then yun after that nag-Super Ma’am [ni Marian Rivera] ako.”

Totoo ba ang isyu noon na iniwas diumano siya ng produksiyon kay Alden Richards dahil nagkakamabutihan sila?

Pagtanggi niya, “Hindi naman. First of all, may boyfriend ako during that time 'tsaka move on na tayo.

“Iba na ang inaasar sa akin, e, di joke lang.

“Wala iba talaga, hindi at all.”

Pero, naging malapit ba sila ng Pambansang Bae?

Diretsong tugon nito, “Mamatay, mother’s grave, hindi talaga.

“So, parang hindi ko alam kong paano nag-start, pero wala, rub the other cheeks smile na lang, kasi wala ka namang tinatago.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Patricia sa grand media conference ng Inagaw Na Bituin kagabi, February 1, sa GMA Network Center.

Gaganap si Patricia bilang si Queenie Belardo, ang best friend ni Lucy Lopez na gagampanan naman ni Angelika dela Cruz.

Bida sa Inagaw na Bituin sina Kyline Alcantara, Renz Valerio, Manolo Pedrosa, at Therese Malvar.

Kasali rin sa cast sina Marvin Agustin, Gabby Eigenmann, Angelu de Leon, Jackie Lou Blanco, Sunshine Dizon, at marami pang iba.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN