Catriona Gray's homecoming festivities "fit for a queen," says BPCI

IMAGE Courtesy: @missuniverse on Instagram

Bb. Pilipinas Charities, Inc. announces Miss Universe 2018 Catriona Gray's homecoming festivities will be "fit for a queen."


“A Homecoming fit for a Queen!”

Ito ang mga salitang nakasaad sa official announcement ng Bb. Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) tungkol sa engrandeng homecoming ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Nakatakdang bumalik ng Pilipinas si Catriona sa February 20, at magsisimula naman ang grand welcome para sa kanya sa February 21.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Courtesy: @catriona_gray on Instagram

Sisimulan ito ng isang bonggang motorcade na iikot mula Pasay, Maynila, at Makati.

Sa darating na February 23 naman, isa ring engrandeng parade sa Araneta Center, Cubao, Quezon City ang ihahanda ng BPCI para sa ating ika-4 na Miss Universe.

Kinoronahan si Catriona bilang Miss Universe noong December 17, 2018 sa Bangkok, Thailand.

Umuwi lang siya ng ilang araw sa Pilipinas pagkatapos siyang koronahan para sa isang nakatakdang charity event at upang ipagdiwang ang Pasko at Bagong Taon sa bansa.

Ngayon, naka-base na si Catriona sa New York kunsaan matatagpuan ang headquarters ng Miss Universe Organization (MUO).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Courtesy: @catriona_gray on Instagram

Narito ang buong announcement ng homecoming ni Catriona:

"Look who is coming home! A Homecoming fit for a Queen!

"Mark your calendars:

"February 21 - Pasay/Manila/Makati

"February 23 - The Araneta Center, Quezon City

"Catriona Gray’s grand homecoming is supported and spearheaded by The Binibining Pilipinas Charities Inc. and the Araneta Center."


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN