Janine Gutierrez happy being generous to younger siblings

IMAGE Noel Orsal

As the eldest daughter, Janine Gutierrez makes sure she looks after her younger siblings: "Well, bilang panganay siguro, yun talaga yung role ko, e. Bilang Ate, talagang I make sure na okay sila."

 


“Respeto talaga ang important, tsaka kailangan maging mabait ka sa lahat ng tao.

“And nakatulong din na bata pa lang ako, nakikita ko na kayo.

“So kumportable na talaga ako sa inyo,” sagot ni Janine Gutierrez sa tanong kung ano ang itinuro sa kanya ng mga magulang niya pagdating sa pakikiharap sa mga kasamahan sa showbiz, lalo na sa mga entertainment press.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertaiment Portal) si Janine sa pocket presscon para sa kanya ng manager niyang si Leo Dominguez nitong nakaraang Miyerkules, January 30, sa Papa Kim’s Korean Bakery & Café sa Tomas Morato Ave., Quezon City.

Ito ay para sa promo ng pelikula niyang Elise na ipapalabas sa February 6 at may premiere night sa Gateway ng February 5.

Sa direksyon ni Joel Ferrer, leading man ni Janine sa pelikula si Enchong Dee.

GENEROUS WITH HER SIBLINGS

Napupuri kay Janine ang magandang ugali nito pagdating sa pakikisama sa mga tao sa paligid niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod dito, napupuri rin sa panganay na anak ng estranged couple na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher (o Monching) ang pagiging spoiler o generous nito sa kanyang tatlong nakababatang kapatid na sina Jessica, Diego at Maxine Gutierrez.

Ugali na ni Janine na ilibre ng trips abroad at mga material things ang kanyang mga kapatid.

“Well, bilang panganay siguro, yun talaga yung role ko, e.

“Bilang Ate, talagang I make sure na okay sila.

“Happy ako na napapasyal ko na sila ngayon.

“And nagpapasalamat din ako kay Tita Annabelle tsaka kay Uncle Richard kasi may pa-Christmas gift sila.

“So nabawasan ang responsibilidad ko nung nag-LA kami,” at tumawa si Janine.

HOLIDAY VACATION IN THE STATES

Sa Amerika nagbakasayon nitong nakaraang Pasko ang magkakapatid (kasama si Monching) at base sa kuwento ni Janine ay may iniregalo sina Annabelle Rama (na lola nila) at Richard Gutierrez (na tiyuhin nila) sa kanilang magkakapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, super thankful ako kasi ang dami ding sumusuporta sa amin ever since – sila Tita Annabelle, Lolo [Eddie Gutierrez], Mamita [Pilita Corrales].”

“Oo, super thankful nga ako! Thank you, thank you Uncle Richard!” pahayag niya.

Pinagkuwento namin si Janine tungkol sa family bonding nila sa U.S. last Christmas.

Kuwento niya, “Well, happy kasi first time mag-U.S. ng Dad ko in thirty years.

“'Tapos, yung dalawa kong kapatid na babae never pa nakapunta.

“So happy ako na sabay-sabay kaming nag-Christmas dun.

“Si Diego kasi nasama ko na last year nung may work ako dun.

“So yung dalawa, first time nila na makapag-Disneyland sa States, ganyan.

“So sobrang happy kasi pangarap ko talaga na makapagbakasyon kami ng ganung klase.

“Kasi nung bata ako, hindi naman namin nagagawa yun, so masaya talaga.”

Christmas gift iyon ni Janine sa kanyang mga kapatid.

NOT HER FAMILY'S BREADWINNER

Pero kahit galante si Janine sa mga kapatid, sinagot nito ang tanong at nilinaw na hindi siya ang breadwinner ng pamilya kundi sina Lotlot at Monching pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Well, masuwerte ako kasi pareho pa namang nagtatrabaho sina Mama tsaka si Papa.

“Hindi naman po ako breadwinner, so masuwerte ako na nakakapag-save ako para sa mga kapatid ko.

“Konting tulong lang, pero si Mama’t si Papa pa rin talaga.

“Hindi naman ako… hindi din sila palahingi, e.

“Hindi sila palahingi, kaya masuwerte ako.”

HAPPY WITH EXTENDED FAMILY

Kahit hiwalay ang parents nila ay maayos na maayos ang set-up nila.

Saad niya, “Well, medyo mahirap lang sa umpisa mag-plano kasi kailangan mo…

“Parang ano, e... parang events planning siya, e.

“Na parang itatanong mo kung sino ang mas libre ng New Year, sino mas libre ng Christmas, paano hahatiin.

“Pero masuwerte po kami kasi pareho pang nandiyan yung parents namin, so kailangan lang po namin mag-adjust kung paano.”

At hindi magkakagalit ang mga magulang nila at ang bagong mister ni Lotlot, ang Lebanese businessman na si Fadi El-Soury.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pakli niya, “Oo, tsaka suwerte din ngayon kasi nga nagkakilala na si Papa at tsaka si Fadi, yung asawa ni Mama.

“Nakapag-dinner na rin kami na nandun silang lahat.”

So okay na silang magsama together?

“Yes, yes, so thankful talaga ako kay Mama at kay Papa na hindi nila pinagdamot sa amin yung makumpleto kami talaga.”

“Kaya okay naman, so parang nadagdagan lang kami ni Tito kumbaga,” pagtukoy niya sa Tito Fadi nila.

Wala bang Tita na nadagdag?

Tugon niya, “Wala pa, e. Wala talaga, e.”

So hindi totoong nagkabalikan sina Monching at Tina Paner?

“Hahaha! Hindi, hindi, parang na-chismis lang yata kasi nag-show sila out of the country, pero waley,” paglinaw ni Janine.

SYMPATHIES FOR RAYVER'S FAMILY

Samantala, labis ang pakikiramay at suporta ni Janine kay Rayver Cruz.

Sumakabilang-buhay ang ina ni Rayver na si Mrs. Elizabeth “Melody” Cruz kahapon ng umaga, February 2, dahil sa sakit na pancreatic cancer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN