Janine Gutierrez wants to get married in her mid-30s

IMAGE Noel Orsal

Janine Gutierrez reveals the most ideal age for her to finally settle down: "I know na may mga mas bata pang nagpapakasal sa akin. Pero ako kasi, gusto ko na mas late pa. Siguro mga thirty-four, mga ganun."


Ang Los Angeles trip pala ng Kapuso star na si Janine Gutierrez, kasama ang mga kapatid at ang kanyang amang si Ramon Christopher, ang Christmas gift niya sa kanilang lahat.

Ang Mama lang niyang si Lotlot de Leon ang hindi nakasama.

Nakasama rin si Rayver sa trip nilang yun, pero natatawang nilinaw ni Janine na hindi kasama sa nilibre niya ang rumored boyfriend.

Lahad niya, “Actually, si Mama talaga ang una kong tinanong.

“Sabay ko silang tinanong ni Papa kung gusto nila.

“Pero yun kasi, kakakasal lang ni Mama so medyo pagod pa sila sa preparation and all that.

“Gusto lang daw nilang mag-relax.

“Umuwi na lang kami ng December 31 ng 12 noon para New Year’s eve, kasama namin sila.”

Napaisip naman si Janine nang tanungin namin kung nakikita niya ang posibilidad na sa isang out-of-the-country trip, magkakasama silang lahat—ang Papa niya, ang Mama niya at ang bagong asawa nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “Sa tingin ko, puwede, basta marami akong pambayad ng hotel room,” natawang sabi niya.

“Pero parang mahirap yata.

“I think, masuwerte lang kami ngayon na nakakapag-dinner kami together.

“Siguro yung next step, sobrang level up na yung makapag-bakasyon together.”

Okay naman daw ang Papa niya at ang asawa ng Mama niya.

First name basis lang din daw ang tawag niya rito.

“Fred. Kasi, hindi naman siya Filipino, kaya hindi rin niya naiintindihan yung Tito at Tita,” pagtukoy niya sa asawa ni Lotlot, ang Lebanese businessman na si Fadi El Soury.

ON PARENTS' SEPARATION

Inamin ni Janine na hindi naging madali ang naging pagtanggap niya noong una niyang nalaman na naghiwalay na ang kanyang mga magulang.

“Hindi, hindi.

“Siyempre, naging mahirap siya noong una, kasi bata pa ko.

“Thirteen yata ako noong naghiwalay sila.

“Pero I guess, nakadagdag itong kasal ni Mama na talagang final na final na talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero happy rin, new beginnings din,” positibong pananaw niya.

Hindi ba siya nagkaroon ng bitterness katulad ng ibang bata na nagkaroon ng broken family?

Saad niya, “Nagkaroon... noong bata pa po ako.

“Hindi ko pa naiintindihan noon.

“Pero ngayon, na-realize ko na sobrang suwerte ko dahil nag-effort talaga ang parents ko.

“Kahit na hiwalay na sila, nag-uusap pa rin sila.

“Pareho sila ng mga desisyon sa amin.

“Hindi ako malilito kung kakampi ba ko sa isa or sa isa.

“Talagang united pa rin sila pagdating sa aming mga anak nila.”

Dugtong din niya, “Siguro forever merong konting kirot.

“Wish mo pa rin sana, di ba? Pero happy naman na.”

DAD NOT PLANNING TO MARRY AGAIN

Ang ama niyang si Monching ay nagsabi raw na ayaw na nitong mag-asawa muli.

“Ayaw na raw niya e,” sabi ni Janine.

Wala rin daw itong ipinakilala sa kanila na naging girlfriend.

“Wala siyang ipinakilala ever.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka, nagkukuwento rin naman siya na wala, e.

“At saka, palagi rin naming alam kung nasaan siya.”

Kung sakali, okay lang naman ba sa kanya kung sakaling umibig muli ang kanyang ama?

“Okay lang naman po as long as okay rin ang girlfriend niya.”

Naaliw naman kami sa reaksyon ni Janine sa ideya kung sakali at magkaroon pa siya ng kapatid sa mga magulang.

“Wag na! Papa, wag na, my gosh!” natawang sabi niya.

Bakit ayaw niya?

“Wag na! Hintay na lang sila ng apo-apo. Not from me, from my sisters,” sabi pa rin niya.

“Sige, okay lang din naman if they want, pero wag na!

“Papa, wag na! Mama, wag na! Tayu-tayo na lang,” natatawang tila pakiusap niya sa mga magulang.

Nali-link muli ang Papa niya sa dating girlfriend at ka-loveteam nito na si Tina Paner.

Anong masasabi niya tungkol dito?

Mabilis niyang tanggi, “Wala, hindi po totoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

”Siguro kasi, pareho yata sila ng manager kaya nali-link sila.”

Paano kung sila pala?

“Okay lang naman po, kung saan masaya si Papa,” pakli niya.

CAUTIOUS WITH MATTERS OF THE HEART

Dahil sa paghihiwalay ng kanyang magulang, ayaw na Janine na mangyari ito sa kanya kung sakaling magpapakasal siya.

Sabi niya, “Naging maingat lang po ako na gusto ko, kapag ako ang nagpakasal, kami na talaga forever.

“At saka, parang na-engrave din sa isip ko na wag magpakasal nang maaga.”

Twenty-nine na si Janine, pero gusto raw niya, mas maging late pa raw sana bago siya mag-asawa.

“I know na may mga mas bata pang nagpapakasal sa akin.

“Pero ako kasi, gusto ko na mas late pa. Siguro mga thirty-four, mga ganun.”

Bukod dito, gusto rin daw niyang magkaroon pa ng sariling bahay bago mag-asawa, at m aibigay ang mga gusto niyang ibigay sa Mama at Papa niya.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janine sa Papa Kim’s, T. Morato Ave., Quezon City noong January 30 para sa solo presscon niya para sa pre-Valentine’s movie niya na Elise ng Regal Films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Leading man niya rito si Enchong Dee at ipalalabas na ang pelikula sa February 6.

DREAM V-DAY DATE

Dahil malapit na ang Valentine’s Day, tinanong din namin si Janine kung ano ang dream Valentine’s Date niya.

Lahad niya, “Gusto ko talagang makapag-beach.

“Siguro dream date ko ang makapag-Amanpulo bilang hindi pa ko nakapunta.

“Nakikita ko sa pictures, sobrang ganda niya talaga. Pero sagad-sagad na yun.”

Nangiti naman si Janine nang sabihin naming kung makakapag-Amanpulo siya, si Rayver ang gusto niyang kasama.

“Oh well, siya ba ang magdadala sa akin dun?” natawang sabi niya.

Sa ibang bansa, gusto raw niyang makarating ng Paris at New York.

Pero may plano na raw siyang mag-New York sa May.

Hindi raw siya sigurado kung makakasama si Rayver.

Masteral graduation daw kasi ng kaibigan niya kaya pupuntahan niya.

At the same time, gusto niyang manood ng mga Broadway shows at mamasyal sa Central Park.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT RUSHING RELATIONSHIP

Kahit na sinasabi ni Janine na wala pang label ang relasyon nila ni Rayver, hindi rin ito nakakibo nang tanungin at sabihin na label na lang ang kulang, pero sa nakikita sa kanilang dalawa, mukhang sila na naman talaga.

Bakit parang pinatatagal pa nila na gawing official talaga?

“Well, yun nga, ever since kasi, ang natutunan ko sa Mommy ko ang huwag magmadali.

“And bilang siguro, from separated parents, maingat talaga ko na wag magmadali.

“Gusto ko talagang mature na ko kapag nagpakasal ako, e.”

Saka siya natatawang nagbiro na, “Hala! Baka 45 na 'ko, ganito pa rin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN