Lea Salonga shows support for sketch artist an influencer looked down on

IMAGE Arniel Serato / Facebook

Lea Salonga (left) expresses support for sketch artist Hans Alcanzare (right), who became viral after posting his conversation with an influencer who wants a portrait in exchange for a shout out.


Nagpahayag ng suporta si Lea Salonga, 47, sa isang sketch artist na nag-post kamakailan tungkol sa isang "influencer" na gusto umanong bayaran ang kanyang serbisyo sa pamamagitan ng isang shout out.

Viral ngayon ang Facebook status ni Hans tungkol sa isang influencer na minaliit ang kanyang kakahayan bilang isang artist.

Gusto raw ng naturang influencer na iguhit siya ni Hans kapalit ng isang shout out.

Hindi pinangalanan ang influencer ng sketch artist na si Hans Alcanzare, pero tinukoy niyang isa itong babae.

Nitong February 3, Linggo, nag-post ng mensahe si Lea para ipakita ang suporta kay Hans.

Tweet ng Pinay Broadway star: “Dear artist, your work and skills are worth at least triple the price you quoted. You’re truly talented!”

Ni-repost ni Hans ang tweet ni Lea sa Facebook at nagpasalamat.

THE VIRAL POST

January 30 nang mag-post si Hans sa kanyang Facebook account ng screenshot ng pakikipagpalitan niya ng mensahe sa isang influencer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mababasa sa screenshot na gustong magpa-sketch ng influencer kay Hans, kagaya ng iginuhit nitong portrait ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sumagot si Hans na P15,000 ang kabayaran kung iguguhit niya ang influencer sa canvas na may laking 30X40 inches.

Halatang nadismaya ang influencer sa presyong binanggit ni Hans.

Mensahe ng influencer: “Ay ang mahal naman! influencer ako, shoutout sana kita! Madali lang naman yan!”

Sa caption ni Hans, sinabi niyang blinock siya ng influencer matapos nilang magpalitan ng mensahe, kaya nagdesisyon ang artist na ibahagi sa social media ang karanasan niyang ito.

Ani Hans, alam niyang ang influencer ay nababayaran dahil sa product placements at endorsements na ginagawa nito.

Pakiusap din niya, huwag maliitin ang kakayahan ng mga kagaya niyang artist at ang kanilang mga likha.

Buong post ni Hans: “Hi Ma’am thank you for blocking me so I have now the opportunity to post this.

“My work might be just a piece of shape, curve and shade for you.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But for me, I consider it as my greatest workmanship and able to call it my own ‘Masterpiece’.

“ I respect you as an influencer and I have nothing against with it coz’ I know that’s how you do for a living.

“But, I know you are getting paid for the product placements and endorsements as an influencer so please, don’t expect me to do something for free. 

“I hope you understand that I invest so much on my art materials, time, energy and effort.

“Getting a shoutout doesn’t even pay bills or fill an empty stomach. Please don’t look down on us (artists) and on our arts. Thank you!”

Sa kasalukuyan, ang post ni Hans ay may 53,000 shares na.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN