Enchong Dee assures fans he remains a Kapamilya after Eat Bulaga! stint

IMAGE @mr_enchongdee on Instagram

Kapamilya actor Enchong Dee appeared on GMA-7 noontime show Eat Bulaga! last Saturday, February 2, to promote his upcoming movie Elise. Enchong posts on Instagram his photos with Dabarkads Vic Sotto and Alden Richards.


Halatang nag-enjoy si Enchong Dee sa guest appearance niya sa Eat Bulaga! nitong Sabado, February 2.

Sa Instagram, ipinost ng 29-year-old Kapamilya actor ang kanyang pictures kasama ang hosts ng programa na sina Vic Sotto, Joey de Leon, Ruby Rodriguez, at Alden Richards.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Enchong, via Twitter at Instagram, sa guest appearance niya sa Kapuso show.

Nag-guest si Enchong sa Eat Bulaga! para i-promote ang kanyang upcoming movie na Elise.

Naglaro si Enchong sa game segment ng Eat Bulaga! na "Boom," kasama ang co-star niya sa pelikula na si Janine at ang aktres na si Jackie Lou Blanco.

Positibo ang naging reaksiyon ng netizens sa paglabas ni Enchong sa Eat Bulaga.


Stories We Are Tracking

Enchong Dee gets warm welcome in Eat Bulaga!
Enchong Dee gets warm welcome in Eat Bulaga!

Positibo rin ang sagot ng ABS-CBN actor sa netizen na nag-suggest na sana makasama ni Enchong ang Eat Bulaga! hosts na sina Alden at Maine Mendoza sa isang proyekto.

Ani Enchong: “Isang karangalan kung sakali.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STILL A KAPAMILYA

Sa kabila ng magandang karanasang ito at kung mayroon mang nag-iisip na baka lumipat ng network ang aktor, tiniyak ni Enchong na isa pa rin siyang Kapamilya.

Positibo rin ang reaksiyon ni Enchong sa dalawang netizens na pinasalamatan ang ABS-CBN dahil pinayagan siyang mag-promote sa bakuran ng GMA-7.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN