Loisa Andalio accidentally holds hands with Dingdong Dantes instead of Ronnie Alonte

IMAGE Allan Sancon

Loisa Andalio feels embarrassed about accidentally holding hands with Kapuso actor Dingdong Dantes instead of  her boyfriend Ronnie Alonte.


Huli sa camera ang pagnanais ni Loisa Andalio, 19, na maka-holding hands ang boyfriend at kapwa-Kapamilya star niyang si Ronnie Alonte, 22. 

Pero aksidenteng naabot ni Loisa ang kanang kamay ni Dingdong Dantes sa halip na si Ronnie, na katabi ng Kapuso actor ng mga oras na iyon. 

Naganap ito kamakailan sa thanksgiving party ng 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Fantastica, kung saan co-stars sina Vice Ganda, Dingdong, Ronnie, at Loisa. 

Noong February 1, napa-tweet si Loisa tungkol sa nakunang video ng kanyang embarrassing moment sa harap ng nobyo at iba pa nilang movie co-stars. 

Sabi ni Loisa: "PINAKA NAKAKAHIYANG MOMENT KO NA NANGYARI SAKIN, GUSTO KO MAGTAGO!" 

Kalakip nito ang video kung saan nagsasalita si Vice habang nakahilera sa likuran ng TV host-comedian ang buong cast members ng pelikula. 

Base rito, nakatayo si Loisa sa harap ni Ronnie at hindi nakatingin ang dalaga nang aabutin sana ang kamay ng nobyo. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat may kalabuan ang video, maaaninag na parehong natawa sina Dingdong at Ronnie sa malinaw na blooper ni Loisa.

Narito ang kabuuang tweet at video na ibinahagi ni Loisa: 

Sa comments section, pati ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay natawa sa embarrassing moment ni Loisa. 

 


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN