Yeng Constantino denies putting baby plans on hold

IMAGE Noel Orsal / @yeng on Instagram

Yeng Constantino on having a baby after four years of marriage with Yan Asuncion: "Kung mangyayari po, kung hindi, Lord, thank you pa rin kasi we're very blessed, kami ng asawa ko. Mas dun muna ako nag-focus, yung perspective ko ba, kumbaga."


Abala ngayon ang Pop Rock Royalty na si Yeng Constantino sa shooting ng pelikulang Write About Love na kanyang pagbibidahan.

Bukod dito, dalawa ang shows ni Yeng sa ABS-CBN—ASAP Natin 'To at It's Showtime (Tawag ng Tanghalan hurado)—at mayroon din siyang concerts.

Ang tanong ngayon ng kanyang mga tagahanga ay kung kailan nila paplanuhin ng asawang si Yan Asuncion ang pagkakaroon ng anak.

Apat na taon nang kasal si Yeng at ang musikerong si Yan.

On hold nga ba ang plano nilang magka-baby?

Pagtanggi ni Yeng, “No, if it happens, it happens. Yun na lang siguro.

“Nung nakaraang taon, nalungkot po ako kasi ika-one year namin ng asawa ko na nagta-try, pero hindi siya nangyayari.

“Ngayon, I don’t want to put that kind of pressure sa aming mag-asawa.

“Kung mangyayari po, kung hindi, Lord, thank you pa rin kasi we’re very blessed, kami ng asawa ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas dun muna ako nag-focus, yung perspective ko ba, kumbaga.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN