KC Concepcion wants to get married first before getting pregnant

IMAGE @itskcconcepcion on Instagram

KC Concepcion says she wants to get married first having kids. KC announced last August 2018 that she reconciled with French filmmaker Pierre Emmanuel Plassart.


Kasal muna bago baby.

Ito ang plano ni KC Concepcion, 33, pagdating sa usaping love life at pagpapamilya.

Kasalukuyang karelasyon ni KC ang French filmmaker na si Pierre Emmanuel Plassart, 36.

Nitong Lunes, February 4, nag-post si KC sa Instagram ng romantic photo nila ni Pierre.

Sa naturang close-up shot ay tila hinahalikan ni Pierre si KC.

Caption ng actress-host: “It sure does feel like February... Happy Valentines month, beautiful people!”

View this post on Instagram

It sure does feel like February...???????? Happy Valentines month, beautiful people!

A post shared by Kristina. (@itskcconcepcion) on

May netizen na nagkomento na maganda ang magiging anak nina KC at Pierre.

Sumagot si KC na sana ay magkatototoo ang komento ng netizen.

Pero nilinaw niyang “wala pa naman” at gusto muna niyang ikasal bago magbuntis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inanunsiyo ni KC ang pagbabalikan nila ni Pierre noong August 2018.

Samantala, ikinuwento naman ni Sharon Cuneta, ina ni KC, na naging magkasintahan na noon sina KC at Pierre pero nagkahiwalay dahil sa long distance.

Dumalaw si Pierre sa Pilipinas noong December 2018 para makasama si KC.

Dito rin nagdiwang ng Pasko at Bagong Taon si Pierre kasama si KC at ang pamilya nito.


Stories We Are Tracking

KC's French boyfriend now in PH
KC's French boyfriend now in PH


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN