Gabby Eigenmann admits he has yet to meet sister Andi's boyfriend

IMAGE Noel Orsal / Philmar Alipayo Instagram

Gabby Eigenmann on wanting to meet Philmar Alipayo, the father of Andi Eigenmann's baby: "Siyempre naman kasi, technically, he's part of the family. Hindi mo nasasabing, 'Ano, ganun lang?' Di ba? Of course, we always wanna reach out and vice versa."


Aminado si Gabby Eigenmann na hanggang ngayon ay hindi pa niya nakikilala si Philmar Alipayo, ang ama ng ipinagbubuntis ngayon ng kapatid ng aktor na si Andi Eigenmann.

Hindi rin daw masabi ni Gabby kung boto ba siya sa champion surfer dahil wala pa naman siyang pagkakataong makausap at makilala ito nang husto.

Pahayag ng 40-year-old Kapuso actor, “Hindi pa, hindi pa, e. Hindi ko pa masasabi.

“Buhay niya ‘yan, it’s her life.”

Pero nandoon daw ang pagnanais niyang makilala ang boyfriend ni Andi.

“Siyempre naman kasi, technically, he’s part of the family.

“Hindi mo nasasabing, ‘Ano, ganun lang?’ Di ba?

“Of course, we always wanna reach out and vice versa.”

Sinabi naman daw sa kanya ni Andi ang pagbubuntis nito bago pa man lumabas ang pag-amin ng aktres na 14 weeks na ang nasa sinapupunan niya.

Ano ang naging reaksiyon ni Gabby rito?

Saad niya, “‘A, kung masaya ka!’ Masaya naman siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Of course, if she asks ng support ko, e, kahit naman di niya tanungin, suportahan ko ‘yan, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby sa mediacon ng Inagaw Na Bituin na ginanap sa 17th Floor ng GMA Network Center, sa Timog Avenue, Quezon City, noong nakaraang linggo.


Stories We Are Tracking

Andi Eigenmann is 14 weeks pregnant
Andi Eigenmann is 14 weeks pregnant
Meet Philmar Alipayo, Andi's surfing champ boyfriend
Meet Philmar Alipayo, Andi's surfing champ boyfriend

GABBY’S NIECE

Ayon kay Gabby, maging ang magiging sitwasyon ng pamangkin niyang si Ellie ay napag-usapan na rin nila ni Andi.

Si Ellie, 7, ay anak ni Andi sa dati nitong boyfriend na si Jake Ejercito.

Saad ng aktor, “Oo naman.

“Ang maganda sa sitwasyon niya, Ellie is loved… not just kami. Marami ang nagmamahal sa kanya.

“Hindi naman niya napapabayaan. Hindi puwedeng pabayaan yun.”

Ano ba sa tingin niya ang dating nito kay Jake?

Sagot ni Gabby, “Wala! We’re friends.

“And I love what he’s doing to his daughter.

“Ganun naman sila. They might have started young, and they’re trying to be the best friends they can be.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayaw ko kasing negativity.

“Papa has always been a positive guy, kaya kahit itong mga negative issues na hindi sa akin [directly] related, alam mo yun?

“I try to look at the brighter side.”

Ang ama nina Gabby at Andi ay ang yumaong aktor na si Mark Gil, pero magkaiba sila ng ina.

Ang ina ni Gabby ay ang dating aktres na si Irene Celebre at ang ina naman ni Andi ay ang award-winning actress na si Jaclyn Jose.

May time ba noon na na inasam ni Gabby na si Jake ang makatuluyan ng kapatid niya?

Maingat na pahayag ni Gabby, “Mahirap kasing magsabi na, ‘sana, sana.’

“Pero, of course, dumating sa point na maano ako, e.

“But with due respect sa mga minahal ng kapatid ko, ayaw kong magbitaw ng mga salita na… buhay niya ‘yan, e.

“Basta ako, basta they remain responsible and loving parents, okey na ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN