Has Daniel Padilla proposed to Kathryn Bernardo?

IMAGE Min Bernardo Instagram

Like his girlfriend Kathryn Bernardo, Daniel Padilla sees their future together: "Proposal? Oo naman, not yet but maybe soon but not yet now."


Marami sa KathNiel fans ang nag-akalang may naganap na wedding proposal nitong nakaraang bakasyon sa Japan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Bunga ito ng post si Min Bernardo, mommy ni Kathryn, sa kanyang Instagram na nagsasabing may nag-propose at may hashtags na #visitjapanphilippines at #kathniellovesjapan.

View this post on Instagram

#visitjapanphilippines #kathniellovesjapan

A post shared by Min Bernardo (@bernardomin) on



Pero tulad ni Kathryn at ina ni Daniel na si Karla Estrada, binigyang linaw rin ng Kapamilya matinee idol na walang proposal na naganap.

"Wala, pinagtritripan lang sila ni Tita Min. Wala, marami pa kaming kailangang gawin,” sabi ni Daniel nang nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa studio ng ASAP Natin ‘To nitong Linggo, February 3.

Nag-agree naman si Daniel, na sa age niyang 23, ay sinabing si Kathryn na nakikita niyang makakasama habang buhay.

Aniya, ”Siyempre, dapat naman, di ba?”

Dugtong pa niya na ikasasaya ng KathNiel fans, “Proposal? Oo naman, not yet but maybe soon, but not yet now."

Sa ngayon, maayos daw ang itinatakbo ng kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kami ni Kathryn, we are normal, masaya.

“Alam naman namin na kung ano ang mayroon kami sa trabaho namin, e, wala yun pagdating sa aming dalawa.

“Kami, e, sila Kathryn at Daniel lang talaga."

KATHNIEL TOURISM AMBASSADORS

Dalawang beses nanggaling ang Kathniel sa Japan, kung saan sila nagselebra ng Pasko.

Nitong January ay nahirang sina Daniel at Kathryn na ambassadors ng Japan National Tourism Organization.

Ayon kay Daniel, “It's always wonderful naman, I'm a fan of Japan kaya lagi din akong nandun.

"Masaya yung ibang pinuntahan namin dun, first time kong napuntahan, Hokkaido.

“It’s my first time to Hiroshima, astig. You know the history, nag-preserve lang sila ng isang doom.

“Siyempre ayaw rin nila yung memory, masakit yung memory na yun.

“Hindi rin naman biro kung ilan din naman ang namatay at nangyari nung panahon na yun.

“Yun ang marka nung nangyari dun, huwag lang nating kakalimutan yung nangyari. Grabe."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DANIEL-SARAH TRENDING DUET

Trending ang duet nina Daniel at Sarah Geronimo sa ASAP nung nakaraang Linggo.

Hindi naman itinago ng aktor na kinabahan siya sa duet nila ng Pop Princess. Ganun din daw ang naramdaman niya nang nag-duet sila ni Regine Velasquez.

"Siyempre kinabahan ako, siyempre mga batikang singers... every time naman.

"Sinabi ko kay Tita Regine, wala lang ako masyadong tiwala sa sarili ko. Siyempre kinakabahan."

Bukas ba si Daniel kung saka-sakaling pagsamahin sila ng Pop Princess sa isang proyekto?

Tugon niya, ”Wala pa namang binabanggit sa akin, it's always the story naman, e.

“Kung paano yung mounting ng istorya, kung paano palalabasin. Kung maganda, why not?"

Sa mga trabahong nakalinya niyang gawin ngayong taon, isang sitcom daw ang posibleng simulan ni Daniel.

Bulalas niya, ”Wala pa rin, hahahaha! Sa ngayon bali-balita na magsi-sitcom ako. I like to do sitcom."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN