Kyline Alcantara tagged "ahas" by bashers; retorts: "Tutuklawin ko kayo ng positivity at pagmamahal."

IMAGE Noel Orsal

Kyline Alcantara, only 16, learns how not to feel let down by bashing and showbiz intrigues.


May mga nagugulat na 16 years old pa lang si Kyline Alcantara, isa sa pinaka-promising Kapuso young stars.

Dalagang-dalaga kasi ang tindig ni Kyline at mature din kung magsalita sa edad niya.

Walang kaabug-abog niyang pahayag, “I’m only 16, wala pa po akong love life, at wala rin po sa priorities ko ang relationship.

“May love life po ako sa career ko, mahal na mahal ko po ang career ko, ang pamilya ko.”

Hindi siya allowed na makipag-boyfriend or magpaligaw?

“Allowed po na magkaroon ng inspiration, pero hindi pa po boyfriend.

“My parents know that I know my limitations, and alam din naman po nila kung gaano ako ka-disciplined sa mga bagay-bagay.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kyline sa press conference ng bagong afternoon prime series ng GMA-7, ang Inagaw Na Bituin, noong January 31.

SHOWBIZ ISSUES

Minsan na ring nagkaroon ng isyu si Kyline sa co-star niya sa dating teleserye ng GMA-7 na Kambal, Karibal, si Bianca Umali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Humantong pa nga ang sinasasabing iringan nila sa awayan sa social media ng kanilang fans.

Sanay na ba si Kyline sa mga ganitong pangyayari?

“Yeah, opo,” nakangiti niyang sagot at nilinaw na, “Wala naman pong nangyari noon.”

Paliwanag pa niya, “Well, sa fans po yung awayan. Pero sana naman po, hindi mangyari yun.

“Kasi lahat po kami, like me, I want to spread positivity to everyone, my fans, and lahat ng Kapuso all over the world.”

Nagkaisyu rin si Kyline nang maakusahang siya ang dahilan ng breakup nina Bianca at Miguel Tanfelix.

Kumusta naman sila ni Miguel?

Tugon ng teen star, “We still talk po, sa personal.

"Katulad nga po ng sinasabi ng iba na may isyu raw po kami, that’s not true po.

"I respect both of them and nag-uusap pa rin po kami.

“May shows po kami together, like Sunday PinaSaya, and I’m really happy for them.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bata pa lang si Kyline pero kung anu-ano na ang idinikit sa pangalan niya ng ilang fans.

Nandiyang tinawag na siyang "ahas."

Reaksiyon dito ni Kyline, “Well, for me, you just need to turn things to positivity.

"Kumbaga nga po, yung mga fans po, ini-indulge ko na po yung ahas.

“Tutuklawin ko kayo ng positivity at pagmamahal.

"You just got to turn negative things to positivity.”

Hindi ba niya iniyakan ang mga pangba-bash sa kanya?

Saad ni Kyline, “Before po, during Anna Liza... I was only 13 and I was playing kontrabida.

“Naiyak po ako sa mga accusation, mga threats po.

"But now, sa Kambal, Karibal na sinasabihan nilang ahas ako, hindi na po.

"Kasi alam ko naman ang ginagawa ko.”

Ang Anna Liza ay ang dating tinampukang teleserye ni Kyline sa ABS-CBN.

NEW TELESERYE, NEW CO-STARS

Mula sa pagiging kontrabida sa Kambal, Karibal, siya naman ngayon ang aapihin sa bago niyang teleserye na Inagaw Na Bituin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung titingnan, tila inaalis na ng network kay Kyline ang imahe ng pagiging character actress.

Reaksiyon niya rito, “Well, maybe they just want me to explore and I’m very thankful.

"I was given a chance to explore my character as an actress.

“Yeah, I just want to play around. I don’t want to stick with one emotion, one type of character.”

Sa Inagaw Na Bituin, ang mga karakter nila ni Therese Malvar ang magiging magkatunggali.

Nagkasama na ang dalawa sa isang proyekto, sa indie film na Hamog.

Pero ngayon sa teleserye ay sila na ang mga bida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Kyline Alcantara and Therese Malvar
 IMAGE Noel Orsal

Komento ni Kyline, “Honestly, isa po talaga si Therese sa mga gusto kong makatrabaho na mga millennials ngayon.

“She’s multi-awarded, internationally. I’m also excited because of her professionalism na rin.”

Aminado naman si Kyline na hindi pa niya masasabing malapit silang magkaibigan ni Therese.

Aniya, “Nasa getting-to-know each other stage pa lang po kami.

“I know that Therese has a good soul, like mine. Alam ko naman po na magkaka-vibes talaga kami.”

Ganun pa man, hindi rin maiiwasang maintriga sila o mapagkumpara sa isa’t isa, lalo na sa larangan ng pag-arte.

Mabilis naman na dinismiss ni Kyline na mangyayari ito sa kanila ni Therese.

Sabi niya, “Tingin ko po talaga hindi magkakaroon ng ganun because we’re both professional.

“We love our craft, may passion po talaga kami sa ginagawa namin.

“Kumbaga, naka-focus lang po talaga kami sa character na ginagawa namin.

"Sa soap mismo, not on our personal issues and, yeah, sana hindi magkaroon ng ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I have a feeling naman po na hindi po.”

NEW LOVETEAM PARTNER

Ang bago naman niyang ka-love team ngayon ay ang bagong Kapuso na si Manolo Pedrosa.

Nang bagong pasok si Manolo sa GMA-7 ay nabanggit na nitong isa si Kyline sa gusto niyang makapareha.

Sa parte naman ni Kyline, kumportable raw siyang katrabaho si Manolo dahil pareho sila ng outlook sa trabaho.

Aniya, “Siyempre, I was so happy to work with Manolo. Importante po sa akin na ang ka-trabaho ko ay professional din po.

“Pero ako po talaga ang unang nag-approach sa kanya noong nag-work kami sa Daig Kayo ng Lola Ko.

"I was like talkative talaga.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN