Arjo Atayde bashed for posting photo with Maine Mendoza

IMAGE Courtesy: @arjoatayde Facebook page

Arjo Atayde will fly to the U.S. and Maine Mendoza will fly to Canada this week. Will this pave the way for their reported plan to witness the Northern Lights in Iceland?


Umuusok sa galit ang ilang fans nina Maine Mendoza at Alden Richards—na mas kilala sa tawag na AlDub—dahil sa Facebook post ni Arjo Atayde ngayong gabi ng Miyerkules, February 6.

Sa unang pagkakataon, nag-post si Arjo sa Facebook ng larawan nila ni Maine.

Ito ay matapos aminin ng Kapamilya actor noong January 3 na "exclusively dating" na sila ng Kapuso Phenomenal Star.

Kasama ng dalawa sa undated photo ang isang di kilalang babae.

Ang caption ni Arjo sa larawan ay simpleng smiley at laughing with tears emojis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Courtesy: Arjo Atayde Facebook

Sa comments thread, samu’t saring pambubuska, galit, at pagmumura ang inabot n Arjo mula sa netizens na pinaniniwalaang AlDub fans.

Ayon sa isang source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), na malapit sa aktor at nagpadala ng ilang impormasyon ngayong gabi, mukhang pausad pa ang friendship nina Arjo at Maine.

Bumisita na si Arjo sa bahay nina Maine sa Bulacan at nakipag-bonding sa mga magulang ng Eat Bulaga! star.

Ayon pa sa aming source, lilipad papuntang Canada si Maine sa linggong ito para sa event ng iniendorso nitong mamahaling brand ng lipstick.

Si Arjo naman ay guest ni Maja Salvador sa kanyang Maja ON STAGE: LIVE IN VIRGINIA BEACH show sa Virginia, USA, sa February 9.

Ito na kaya ang pagkakataong magkasama nang pribado sina Maine at Arjo para sa binabalak nilang Northen Lights adventure sa Iceland?

Napapabalita kasing balak ng dalawa na makita ang Aurora Borealis.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN