Lolit Solis on war with Falcis brothers: "I will not take a bullet for Kris Aquino."

IMAGE Jerry Olea / Instagram

Lolit Solis (left) on getting caught in the middle of the war between Kris Aquino (right) and the Falcis brothers (middle): "I will not blame anyone if dahil sa stress at depression na sa edad ko na 72 (sa May) ay idemanda ako, I will take the consequences, I will happily accept my death without blaming the Falcis for it."


#KrisAquinoVsNickoFalcis

Inamin ng beteranang talent manager at entertainment columnist na si Lolit Solis na apektado siya sa banta diumano ng Falcis brothers na sasampahan siya ng kaso.

Nag-ugat ang pangamba ni Lolit nang tawagan daw siya ng entertainment reporter na si Mercy Lejarde at ibinalitang sasampahan siya ng kaso ng magkapatid na Nicko at Jess Falcis.

Ito ay kaugnay ng legal battle sa pagitan ng Falcis brothers at ni Kris Aquino.

Si Nicko ang dating endorsement closer/talent agent/managing director ng digital company ni Kris na Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP).

Sinampahan ni Kris ng 44 counts of qualified theft si Nicko noong October 12, 2018.

Sinampahan naman ni Kris ng 9 counts of cyberlibel ang kapatid ni Nicko na si Atty. Jesus "Jess" Falcis noong Nobyembre 2018.

Kaugnay ito ng paninira umano sa social media ng abugado sa web star.

View this post on Instagram

Naku Salve ha, tinawagan ako ni Mercy Lejarde at sinabi na balita daw kakasuhan ako ni Nicko Falcis. Bakit? Why? Hindi ko ma-understand. Gusto ko tuloy tawagan si. atty Norman Golez at Biboy Malaya para mag-consult, pero naisip ko balita pa lang naman. Naku talagang ako lagi hinahabol ng intriga, kahit hindi ako kasali bigla nadadamay ako. Sa edad na 72 sa May madi-demanda pa ako, grabe naman, huh huh. To think na nalimutan nga ni Kris Aquino ipadala ang christmas gift ko at ang promise niya na every three months supply ng gc ng S&R tapos may kaso pa ako. At I don’t know why ha? Kaya Salve dapat na talaga mag-meeting kami ni Atty. Norman at Atty. Biboy para mapayuhan ako sa aking gagawin at bakit ako nasali dito. Kris, bakit ako nasali? Cris Roque why? Bakit Leo Espinosa? Ay naku, me and my being so clueless huh huh. #lolitkulit #instatalk #71naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

TAKING THE THREAT SERIOUSLY

Sa pamamagitan ng two-part Instagram post, nitong Miyerkules ng gabi, February 6, naglabas ng saloobin si Lolit kaugnay ng banta raw sa kanya ng magkapatid na Falcis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siniseryoso raw niya ito.

Panimula ni Manay Lolit: "Salve I am very upset, agitated, stress and sad.

"Sabi ni Ricky Lo, don’t take the threat of the Falcis brothers lightly.

"I am taking it seriously, that’s why I feel this way.

"Almost everyday may nagsasabi sa akin na laging nababanggit ang pangalan ko sa mga posting ng mga Falcis. I never thought I will be as important.

"I have never met any of them, I don’t know them, I don’t even know how they look."

Ang "Salve" na tinutukoy ni Manay Lolit ay ang entertainment editor ng Pilipino STAR Ngayon na si Salve Asis.

Si Ricky Lo naman ang batikang entertainment editor ng broadsheet na The Philippine STAR.

GOOD WORDS FOR NICKO

Iginiit ni Manay Lolit na sa loob ng panahong nagtrabaho si Nicko kay Kris ay hindi sila nagkaroon ng anumang komunikasyon ng dating Queen of All Media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin daw siya kabilang sa reporters na tumatanggap ng pera mula kay Kris kapalit ng publisidad.

Lahad ni Manay Lolit, "In the long time Nicko Falcis was working with Kris Aquino alam niya na never kami nag-usap o nag-text ni Kris dahil hindi ko alam cellphone number ni Kris.

"Second, siya ang finance officer ni Kris, he should know kung sino nasa payroll, kung sino binabayaran.

"Imposible hindi niya alam kung sino ang mga taong tumatanggap ng pera mula kay Kris."

Hindi rin daw kilala ni Manay Lolit si Nicko nang personal.

Saad niya, "Third, I only come to know the name Nicko Falcis dahil nang pumutok ang balita, may mga taong nagtatanong sa akin at mukhang kilala sila ni Nicko dahil binabanggit ang pangalan niya, kaya nalaman ko kung sino siya.

"And to be fair, I was in awe dahil halos lahat ng nakausap ko glowing ang mga salitang binitiwan about Nicko Falcis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And knowing how hard it is to be in the circle of friends ni Kris Aquino, and kung gaano siya mag-background check lalo na sa business people niya, I am sure isang trustworthy person at capable sa trabaho si Nicko."

Ipinaalala ni Manay Lolit na binanggit niya ang magagandang katangiang iyon ni Nicko nang una siyang mag-post ng tungkol sa isyu nina Kris at Nicko.

Nangamba pa nga raw siya na isipin ng iba na kumakampi siya kay Nicko.

Sabi ni Manay Lolit, "Nang una akong nag-post sinabi ko iyon, how people was defending him, how people trusted his abilities, and then sinulat ko rin iyon mga pinag-uusapang issues and questions.

"In fact that time, natakot pa ako na ma-misunderstood na kumakampi ako kay Nicko dahil nga sinulat ko ang outstanding background niya."

View this post on Instagram

Isang nakakakilala sa taong nanloko kay Kris Aquino ang shocked na shocked Salve sa nangyari. According sa taong ito, iyon daw nanloko kay Kris ay isang learned person na galing sa isang edukadong pamilya na may kaya kaya ‘di siya nakapaniwala na nagawa ito ng taong iyon. At sabi nga nag-alok na ang lola at auntie na sila na magbayad ng kinuha na pera. May balita pa na may special friend daw na actor ang naturang tao kaya nagawa , at baka fall guy na lang ang pinagbintangan nagnakaw o nagtakbo ng pera. Masalimuot ang mga istoryang kumakalat at kung tutoo, isa na naman crime of passion, dahil sa pagmamahal kaya nangyari ang lahat. O pag-ibig lagi na lang ikaw pinagbibintangan, kawawa ka naman, basta ikaw pumasok, mahirap ng lumabas. Buti na lang gurang na ako ng ma in love kay Jo In-sung, kundi hitsura bilhin ko siya para mapunta sa akin hah hah ilusyon to the max. #instatalk #classiclolita #71naako ??

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

LOLIT: "I AM NOT TAKING A BULLET FOR KRIS."

Binanggit din ni Manay Lolit ang pahayag ni Charlene Falcis na pananagutin niya si Kris kapag may nangyaring masama sa kanilang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito na rin sinabi ni Manay Lolit na wala raw siyang sisisihin kung ituloy ng Falcis brothers ang pagsampa ng kaso laban sa kanya.

Ito ay sa kabila raw ng pagiging-72 na niya sa Mayo at posibleng maging dahilan ito ng kanyang pagkamatay.

Pahayag ni Manay Lolit: "Sabi nila, they will hold accountable si Kris Aquino pag may nangyari sa mother nila dahil sa stressful na pangyayaring ito.

"I am not taking a bullet for Kris.

"Pero kung dahil sa opinion ko sa Instagram at sa radio dahil sa issue na ito, I will not blame anyone if dahil sa stress at depression na sa edad ko na 72 (sa May) ay idemanda ako, I will take the consequences, I will happily accept my death without blaming the Falcis for it."

Dagdag pa niya, "I don’t take side here, willing ako to listen, willing to admit if I did something wrong, willing to clear out the issues.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa buhay ng tao, meron iyon sinasabi na ligawin, takaw-away, takaw-intriga.

"Siguro takaw-intriga ako dahil without any intention, any bad thoughts, nadadamay ako sa issue. I will not explain anything or apologize, or say sorry, for I know I did not do wrong."

Sa huling bahagi ng kanyang post ay nagawa pang magbiro ni Manay Lolit na ang pinakamalaki at pinakamagandang wreath sa kanyang burol ay manggagaling kay Kris.

"If my health will fail because of my depression and sadness, rest assured Falcis family I will not blame you.

"I will just accept my fate, and knowing how good natured Kris Aquino is, I am sure the biggest and most beautiful arrangement for my wake will come from her. Case closed."

View this post on Instagram

Salve I am very upset, agitated, stress and sad. Sabi ni Ricky Lo, don’t take the threat of the Falcis brothers lightly. I am taking it seriously, that’s why I feel this way. Almost everyday may nagsasabi sa akin na laging nababanggit ang pangalan ko sa mga posting ng mga Falcis. I never thought I will be as important. I have never met any of them, I don’t know them, I don’t even know how they look. In the long time Nicko Falcis was working with Kris Aquino alam niya na never kami nag-usap o nag-text ni Kris dahil hindi ko alam cellphone number ni Kris. Second, siya ang finance officer ni Kris, he should know kung sino nasa payroll, kung sino binabayaran. Imposible hindi niya alam kung sino ang mga taong tumatanggap ng pera mula kay Kris. Third, I only come to know the name Nicko Falcis dahil nang pumutok ang balita, may mga taong nagtatanong sa akin at mukhang kilala sila ni Nicko dahil binabanggit ang pangalan niya, kaya nalaman ko kung sino siya. And to be fair, I was in awe dahil halos lahat ng nakausap ko glowing ang mga salitang binitiwan about Nicko Falcis. And knowing how hard it is to be in the circle of friends ni Kris Aquino, and kung gaano siya mag-background check lalo na sa business people niya, I am sure isang trustworthy person at capable sa trabaho si Nicko. Nang una akong nag-post sinabi ko iyon, how people was defending him, how people trusted his abilities, and then sinulat ko rin iyon mga pinag-uusapang issues and questions. In fact that time, natakot pa ako na ma-misunderstood na kumakampi ako kay Nicko dahil nga sinulat ko ang outstanding background niya. Sabi nila, they will hold accountable si Kris Aquino pag may nangyari sa mother nila dahil sa stressful na pangyayaring ito. I am not taking a bullet for Kris. Pero kung dahil sa opinion ko sa Instagram at sa radio dahil sa issue na ito, I will not blame anyone if dahil sa stress at depression na sa edad ko na 72 (sa May) ay idemanda ako, I will take the consequences, I will happily accept my death without blaming the Falcis for it. I don’t take side here, willing ako to listen, willing to admit if I did something wrong, willing to clear out the issues. (May karugtong...)

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

KRIS AQUINO APOLOGIZES TO MANAY LOLIT

Kabilang sa mga nagkomento sa Instagram posts na ito ni Lolit ay si Kris mismo.

Humingi ng dispensa si Kris kay Lolit dahil sa napili raw itong maging "target" ng mga Falcis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw kinukumpronta ni Kris ang anumang "entertainment portals, websites, news programs, bloggers, or reporters" dahil ang kanyang kinasasangkutan ay isang "public issue."

Buo raw kasi ang tiwala niya sa kanyang mga abugado na sina Sig Fortun at Nilo Divina, na parehong malalaking pangalan sa kanilang propesyon.

Ito ang buong mensahe ni Kris para kay Lolit: "You have my wholehearted apology that they have chosen to target you which is utterly WEIRD...

"i have never taken issue with any entertainment portals, websites, news programs, bloggers, or reporters because this is a public issue... i haven’t reacted to people expressing their views. The fight isn’t with them.

"Pasensya ka na Nay Lolit. Dinededma ko kasi sila dahil 100% ang CONFIDENCE ko kay atty Sig Fortun & UST Dean of Law, Atty Nilo Divina.

"God bless you- i know mahabang mahaba pa ang buhay mo..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MAKING DEMANDS ON MEDIA

Ngunit tila taliwas sa pahayag ni Kris na wala siyang isyu sa anumang news platform, noong January 8 ay nagpadala ng liham sa mga broadcast stations ang mga abugado niya sa Divina Law.

Pinaalalahanan ng law firm ang mga istasyon sa pag-ere ng panig ng magkapatid na Falcis dahil ang tanging layunin lamang daw nina Nicko at Jess ay siraan ang kliyente nilang si Kris.

Inalmahan naman ito ni Nicko, na nagsabing: “Why would you curtail our freedom of speech, the freedom of the press? We have a right to air our side."

Giit naman ng Divina Law: "We did not ask them NOT to air the interview of the Falcis brothers. In fact we said in the letter that we recognize their constitutional right to free speech and a free press.

"We reminded them that Libel is not protected speech. That is a fact.

"What we simply asked was for them to get the side of Ms. Kris Aquino for fair and balanced reporting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"How can that request be construed as a curtailment of free speech?"


Stories We Are Tracking

Kris camp alerts TV stations about airing Falcis interviews
Kris camp alerts TV stations about airing Falcis interviews
Nicko calls out Kris, law firm over letter warning stations
Nicko calls out Kris, law firm over letter warning stations

IS THERE REALLY A THREAT TO SUE LOLIT?

Sa kabila ng pangambang ito ni Lolit, ang malaking katanungan ay: Nagbanta nga ba ang magkapatid na Falcis na sasampahan nila ng demanda si Lolit?

Sa pagkakaalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay walang direktang pahayag sina Nicko at Atty. Jess na may demanda.

Ngunit naninindigan ang magkapatid na si Lolit ang unang nagbanggit ng pangalan ni Nicko nang unang pumutok ang paratang ni Kris na may taong malapit sa kanya na nagnakaw ng milyon-milyon sa kaniya.

Upang patunayan ang kanilang pahayag, ipinakita ni Nicko ang timeline ng mga mapanirang write-ups sa kanya ni Lolit.

Makikita ritong September 27 nang unang binanggit ni Lolit ang pangalang Nicko Falcis sa radyo. October 1 naman nang binanggit ni Lolit ang pangalan ng certified public account sa kanyang Instagram post.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino finds allies in Teddyboy, Lolit, Angel, Kim
Kris Aquino finds allies in Teddyboy, Lolit, Angel, Kim
Lolit Solis gets entangled in Kris Vs Nicko battle
Lolit Solis gets entangled in Kris Vs Nicko battle
Nicko details how Lolit is involved in his battle with Kris
Nicko details how Lolit is involved in his battle with Kris



Ganunpaman, ngayong gabi, Huwebes, Pebrero 7, nakipagpalitan ng mensahe ang PEP kina Nicko at Jess upang alamin ang posisyon nilang magkapatid sa isyu ni Lolit.

Dito nilinaw nina Nicko at Jess na wala silang binabanggit na idedemanda nila si Lolit. Ang tanging pinupunto raw nila ay ang katotohanang si Lolit ang unang nagbanggit ng pangalan ni Nicko sa publiko.

Pinaalam din nila kay Lolit, sa direct reply sa post ng veteran movie scribe, na "libelous" ang magpakalat ng maling impormasyon.

Tinutukoy dito ng magkapatid na Falcis ang isinulat ni Lolit noong October 1, 2018, na may pinopondohang boyfriend umano si Nicko kaya baka raw nakapagnakaw ito kay Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ng lahat ng nabanggit sa artikulong ito.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN