Rodjun, Rayver Cruz lead celebratory dance in honor of their late mom

IMAGE @jeffdrummerboi / @ina_feleo Instagram

Rodjun and Rayver Cruz offer a celebratory dance in honor of their late mom Beth Cruz, whom they described as a "warm" and "energetic" person.


Idinaan ng magkapatid na Rodjun at Rayver Cruz sa sayaw ang kanilang paggunita sa alaala ng pumanaw nilang ina na si Beth Cruz.

Pumanaw ang ina nina Rodjun at Rayver dahil sa sakit na pancreatic cancer noong Sabado ng umaga, February 2.

Bagamat nagdadalamhati, todo sa pag-indak ang magkapatid sa lamay ng kanilang ina kagabi, February 7. 

Base ito sa Instagram Stories ng mga kaanak at malalapit na kaibigan sa showbiz nina Rayver at Rodjun na nagpaabot ng pakikiramay sa magkapatid.

Bilib ang mga ito kina Rayver at Rodjun, na nananatiling matatag ang loob at malalim ang pananampalataya sa kabila ng pagkawala ng ina.

Una na rito si Edgar Allan Guzman na nagsabing marahil ay "nakikisayaw in heaven" ang ina nina Rayver at Rodjun. 

View this post on Instagram

EA Guzman at the wake for Rayver and Rodjun's mom

A post shared by Roxy Coco (@roxycoco12) on

Nakunan naman ni Marco Alcaraz ng video ang pagyaya ni Rayver kay Tirso Cruz III na sumayaw.

Sabi sa caption ni Marco: "We [heart] You Brotherness @rodjuncruz @rayvercruz"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
View this post on Instagram

Marco Alcaraz showe Rayver and Rodjun's dance at mom's wake

A post shared by Roxy Coco (@roxycoco12) on

Noon lang November 17, 2018, pumanaw ang panganay na anak ni Tirso na si Teejay Cruz dahil sa cancer.

Bilib din si Ina Feleo sa pagiging positibo ng kaibigang si Rodjun sa gitna ng pinagdadaanan nitong pagsubok. 

Bahagi ng mensahe ni Ina para kay Rodjun: "Lagi ko sinasabi sayo idol kita, kasi ang positive mo talagang tao. Madaling sabihin yung mga positive pag walang pagsubok, pero ikaw kahit pinakamalaking pagsubok nakukuha mo pa din maging positive at magpasalamat.

"Isa talaga itong testament sa kung gaano kagaling na nanay si tita Beth sa inyo [smile emoji] Kakainspire ka!"

View this post on Instagram

Ina Feleo's message for Rodjun

A post shared by Roxy Coco (@roxycoco12) on

"PARANG PANAGINIP LANG"

Sa kabilang banda, naging madamdamin din ang speech ni Rodjun sa lamay kagabi.

Hindi raw niya akalaing hindi na niya makakasama ang inang si Beth sa nakatakda niyang pakikipag-isang dibdib ngayong taon sa fiancée na si Dianne Medina.

"Sabi ko kasi kay Mama, 'Pag nag-speech ka sa wedding ko, huwag masyado nakakaiyak. Ayoko humagulgol. Gusto ko gwapo ako sa wedding ko.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun pala, ako pala mag-speech ngayon para kay Mama," balik-tanaw ni Rodjun sa pag-uusap nila noon ng ina.

"Parang panaginip lang talaga. Siyempre, masaya naman kami na masaya si Mama sa heaven."

Humiling din si Rodjun sa mga kapamilya at kaibigan na ipagdasal silang mga naulila ni Beth dahil ngayon nila mas kailangan ng lakas ng loob.

Base ito sa Instagram Stories ng entertainment reporter na si Allan Diones, na naroon sa lamay kagabi.  

Sa huli, nag-post si Rodjun ng mensahe para sa ina sa pamamagitan ng kanyang personal Instagram Story.

Aniya, "I love you so much Mama ko! [heaven, heart, prayer emojis]"

View this post on Instagram

From Rodjun Cruz's IG Story

A post shared by Roxy Coco (@roxycoco12) on


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN