Bong Revilla denies feud with Robin Padilla

IMAGE Facebook photo

Senatorial candidate Ramon "Bong" Revilla Jr. on alleged rift with Robin Padilla: "Basta yung sa panahon na ikaw ay nasa ibaba, doon mo makikita kung sino ang mga tunay na kaibigan."


Habang nasa Camp Crame si dating Senador Bong Revilla, may mga nagtaka kung bakit tila hindi raw nagparamdam o dumalaw sa kanya si Robin Padilla.

“Hindi, maaaring busy naman si Robin,” sambit ni Bong.

“Hindi naman natin siya inoobliga.”

Dugtong pa niya, “Si Robin ay isang kaibigan natin. Kumbaga, nirerespeto natin siya. 

"Isang taong may paninindigan, bilib ako sa kanya."

Wala ba siyang tampo rito?

“Wala, wala,” sagot ni Bong.

“Ako naman, hindi naman natin maoobliga ang tao, di ba? Nasa sa kanila yun.

“Basta yung sa panahon na ikaw ay nasa ibaba, doon mo makikita kung sino ang mga tunay na kaibigan.”

Napaisip din ba siya kung bakit sa loob ng apat na taon ay hindi siya nadalaw o napuntahan ni Robin?

“Hindi naman. Basta, kilala mo kung sino ang tunay mong mga kaibigan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bong sa ginanap na get-together with the entertainment press noong February 5 sa Annabel’s Restaurant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PDAF ISSUE

“Anak ng Teteng!” pabirong sambit ng senatorial candidate ,na kuha mula sa linyang pinasikat niya sa 1990 film na Alyas Pogi: Birador ng Nueva Ecija.

Reaksiyon ito ni Bong sa patuloy na pambabatikos sa kanya dala ng pagkakadawit niya sa Priority Development Assistance Fund (PDAF), o pork barrel scam, noong 2013.

Inakusahan si Revilla ng diumano’y pagbubulsa ng PHP224 milyong kickback mula sa negosyanteng si Janet Lim-Napoles, na lumikha umano ng bogus projects para maibulsa ang bilyun-bilyong halaga ng PDAF, dahilan upang ma-detain si Bong sa Camp Crame simula 2014.

Si Napoles ang itinuturong mastermind ng pork barrel scam.

Nito lamang December 2018, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay Bong, kaya nakalaya ito matapos ng apat na taong pagkaka-detain.

Sa ngayon, nahaharap pa rin sa 16 graft charges si Bong hinggil sa pork barrel scam.

Diin ng actor-politician, “Nagsalita na ho ang korte, tama na. 

“Kung sinabi niyo noon, tama na, sobra na—sobra na, tama na. Masakit na, tama na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunpaman, patuloy pa rin daw ang pagdidiin sa kanya ng iba hinggil sa PDAF controversy.

Depensa ni Bong, “Basta ang masasabi ko lang, ang lahat po naman ng ito ay nasa korte. 

“Ako po, from the very start, pinagdaanan ko yung talagang masakit na pupuwedeng abutin ng nabilanggo.

“Hanggang sa paglilitis, hanggang sa naging desisyon, inabot ko. 

“Four years, six months, hindi biro.

“Kaya tama na, tama na. 

“Yun lang ang masasabi ko sa patuloy na nanggigiba, tama na po.”

NO TO DEBATES

Ayon kay Bong, may mga imbitasyon sa kanya ang TV networks na sumali sa senatorial debate programs, kasama ang iba pang senatorial candidates, pero tumatanggi siya.

“Ayoko nang makipag-debate,” sabi niya.

“Kaya siguro napapansin niyo, maraming nag-iimbita sa akin sa iba’t ibang channels, marami na sigurong nagtatampo na hindi ako uma-attend ng debates.

“Ayokong mahainan ng mga ganyan na minsan, e, nakakasakit na.”

Sabi pa niya, “Sobra na po ang inabot ng pamilya ko na panlalait.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang tagal na po kaming nagdusa, tama na po.

“Pabayaan na po nating ang tao ang humusga sa akin sa darating na halalan.”

NOT LEAVING SHOWBIZ

Tiniyak naman ni Bong na hindi niya iiwan ang mundo ng showbiz, anuman ang maging resulta ng eleksyon.

Pagkatapos daw ng halalan, siguradong babalik siya sa paggawa ng pelikula.

Inihayag nga niyang gagawa siya ng isa pang sequel ng Alyas Pogi.

“Umasa po kayo na pagkatapos na pagkatapos ng halalang ito, balik-pelikula po si Bong Revilla. Balik-telebisyon.

“’Yan po talaga ang first love ko, and as I’ve said, hindi ko po kayo tatalikuran.

"At pipilitin natin na kapag tayo po ay nabalik sa Senado, ibababa po natin ang bayad sa sinehan para maka-afford ng pelikulang Filipino.

“Kailangang buhayin natin ang pelikulang Pilipino, ‘yan ang purpose sa aking pagbabalik.”

Pagdating sa telebisyon, wala pa raw pag-uusap kahit sa Kapuso network na huling tahanan niya bago siya makulong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Bong, “As of now, wala pa.

“Pero, siyempre, hintayin natin pagkatapos ng halalan.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN