Did Maine Mendoza tag Arjo Atayde on Aurora Borealis Facebook page?

IMAGE Noel Orsal / Arjo Atayde on Facebook

Arjo Atayde denies he is the owner of a verified account on Facebook that posted his picture with rumored girlfriend Maine Mendoza.


Totoo bang may plano sina Maine Mendoza at Arjo Atayde na magbakasyon sa Iceland para makita ang Northern Lights o mas kilala sa tawag na Aurora Borealis?

Sa isang post ng Aurora Borealis Observatory - Visit Senja Facebook page noong February 3, isang "Gil Quilong" ang nag-tag sa Facebook user na si "Juan Carlos Campo Atayde."

Sumagot naman agad si "Juan Carlos Campo Atayde": "lets go babs"

Ang "Juan Carlos Campo Atayde" ay pinaniniwalaang personal Facebook account si Arjo—na ang buong pangalan ay Juan Carlos Ocampo Atayde.

Ang profile pic ng Facebook account na" Juan Carlos Campo Atayde" ay larawan ng aktor na si Arjo Atayde.

Ilan sa Facebook friends nito ay ang kapwa celebrities ni Arjo na sina Luis Manzano, Aiko Melendez, Sunshine Cruz, Ynez Veneracion, Christian Bables, Aljur Abrenica, Edu Manzano, John Lapus, at Paolo Ballesteros.

Ayon sa ilang celebrities na ito, na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), totoong kay Arjo ang "Juan Carlos Campo Atayde" Facebook account.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kasalukuyan, mayroon itong 11,709 followers.

Ayon naman sa isang netizen, ang "Gil Quilong" ay ang secret Facebook account ni Maine.

Ang profile photo ng naturang account ay si Maine na kuha sa isang beach.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapansin-pansin ding isang nagkomento sa post ni "Gil Quilong" ay isang Art Atayde, na pangalan ng ama ni Arjo.

Komento ni Art, kung saan naka-tag si Arjo: "can I go with you?"

Ngunit burado na ngayon ang nasabing usapan nila.

ARJO DENIES POSTING PHOTO WITH MAINE

Kagabi, February 6, nag-post si Arjo sa kauna-unahang pagkakataon ng larawan nila ni Maine.

Ito ay matapos inamin ng Kapamilya actor na "exclusively dating" sila ng Kapuso phenomenal star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Courtesy: Arjo Atayde Facebook

Ngunit ngayong araw, February 7, sa pamamagitan ng Instagram Stories, itinanggi ng aktor na kanya ang verified Arjo Atayde account sa Facebook.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN