Lani Misalucha happy to work with GMA, ABS-CBN; confirms return to The Clash Season 2

IMAGE Noel Orsal

Lani Misalucha on working with different networks: "Because, you know, gusto ko yung marami akong nakakatrabaho na iba't iba. Hindi lang, kumbaga, kung ikaw, e, nasa bakuran mo, di ba, it would be nice to say hi to your neighbors and you know, talk to them and maybe have a relationship with them, di ba?"


Kinumpirma ni Asia’s Nightingale Lani Misalucha na muli siyang magbabalik sa GMA-7 via The Clash Season 2.

Isa si Lani sa original judges ng show ng GMA-7, kasama sina Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista at Comedy Queen Ai-Ai delas Alas.

Ang bago lamang daw sa show ay kung sino ang magiging host nito matapos umalis ni Asia’s Songbird Regine Velasquez sa bakuran ng Kapuso network at lumipat sa ABS-CBN.

Ayon kay Lani, “Mayroong The Clash ulit, yes. Kami pa rin [ang judges].

“Yes [pero iba na ang host]. Hindi pa namin alam kung sino.”

Ayon pa sa magaling na singer-performer, masaya siyang nakakapagtrabaho sa iba’t ibang istasyon.

Saad niya, “Ayun, nagpapasalamat ako na yun ang ginagawa ko.

“Nagpapasalamat ako na nagagawa ko pala yun, you know, na nakapagtrabaho ako sa ating Kapuso, nakakapagtrabaho ako sa ating Kapamilya, at sa iba pang mga networks."

Ito raw ang kagandahan ng walang exclusive contract.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag pa ni Lani, “Because, you know, gusto ko yung marami akong nakakatrabaho na iba’t iba.

"Hindi lang, kumbaga, kung ikaw, e, nasa bakuran mo, di ba, it would be nice to say hi to your neighbors and, you know, talk to them and maybe have a relationship with them, di ba?”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lani sa grand presscon ng Valentine’s concert nila ni Martin Nievera, ang Timeless Classics, noong January 29, sa ballroom ng Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.

Gaganapin naman ang concert sa February 14 sa PICC Plenary Hall.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN