Kris Aquino affirms friendship with Boy Abunda, but...

IMAGE Noel Orsal

Asked if she's still friends with Boy Abunda, Kris Aquino hedges: "I believe we'll always care about each other but we are no longer active participants in each other's lives."


Naging matalik na magkaibigan sina Kris Aquino at Boy Abunda noong nagkasama sila umpisa sa Kapuso Network hanggang sa Kapamilya network.

Ilang palabas na ang kanilang pinagsamahan, kabilang ang Startalk sa GMA-7, The Buzz, at Aquino and Abunda Tonight sa ABS-CBN.

Ikinasal pa si Kris kay James Yap sa bahay ni Boy.

Ngunit ngayon ay marami ang nagtatanong kung maayos pa ba ang relasyon ng dalawa, matapos ibigay ni Kris sa iba ang pamamahala ng kanyang endorsement projects na dati ay hawak ni Boy.

Ang non-digital platform projects naman ni Kris ay pinamamahalaan ni Erickson Raymundo ng Cornerstone Entertainment.

Sa Instagram post ni Kris kahapon, February 7, na patungkol sa buhay-buhay, may nagtanong na netizen kung magkaibigan pa ba sila ni Boy.

Ayon kay @nerinear, “Still friends with Abunda, Miss Kris? Just curious.”

Kaagad ding tumugon si Kris dito.

Sabi niya, “@nerinear to satisfy your curiosity-I believe we'll always care about each other but we are no longer active participants in each other’s lives.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN