Former GMA Supershow hosts explain Gretchen Barretto's absence from reunion

Why was Gretchen Barretto absent from the GMA Supershow reunion? Her former co-hosts explain.


Nagpaliwanag ang ilang co-hosts ng GMA Supershow, ang defunct Sunday variety show ng GMA Network, kung bakit hindi sila kumpleto sa ginanap na reunion noong February 3, Linggo.

Kabilang sa mga nakadalo ay sina Dawn Zulueta, Jackie Lou Blanco, Lani Mercado, Mariz Ricketts, Rachel Anne Wolfe, Arlene Muhlach, at Maricel Laxa.

Nakasama rin ng grupo si Pops Fernandez, na hindi naging co-host bagamat madalas mag-guest sa sikat na weekly variety show na pinangunahan ng yumaong host na si German “Kuya Germs” Moreno.

Si Dawn daw ang nag-organisa ng reunion na ginanap sa Manila House Private Club sa Bonifacio Global City, Taguig.


Stories We Are Tracking

Dawn Zulueta leads GMA Supershow reunion
Dawn Zulueta leads GMA Supershow reunion

MISSING HOSTS

Pero hindi nakaligtas sa mga mapagmasid na netizens na hindi kumpleto ang dating co-hosts.

Marami sa kanila ang naghanap kina Sharon Cuneta, Zsa Zsa Padilla, at Gretchen Barretto.

May ibang netizens pang nagkomento ng masasakit na salita laban kay Gretchen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MARIZ, JACKIE LOU, AND ARLENE SPEAK UP

Pero sa pamamagitan din ng comments section, nilinaw ng ilan sa mga nakadalong hosts kung bakit wala si Gretchen, gayundin ang iba pang dati nilang kasamahan kagaya nina Sharon, Zsa Zsa, Jean Garcia, Princess Revilla, at Princess Punzalan.

Komento ni Jackie Lou, hindi nakapunta si Gretchen dahil “she couldn’t make it.”

Ito rin daw ang dahilan kung bakit hindi nakapunta ang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag naman ni Mariz, hindi nagtugma ang schedules ng iba kaya hindi nakadalo.

“hindi nagmatch ang mga schedules namin.. sana sa susunod, mas madami na kami,” bahagi ng komento ng asawa ni Ronnie Ricketts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinegundahan naman ni Arlene ang sinabi nina Jackie Lou at Mariz.

Aniya, “they couldn’t make it.”

Dagdag pa niya, “madaming kulang na hindi nakapunta.next time daw.”

STILL IN TOUCH

Sabi naman ni Rachel Anne, pagkatapos ng 30 taon ay nananatili pa rin silang magkakaibigan.

Binanggit din niyang kailangang mag-effort upang matuloy ang reunion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya: "After 30 years and the friedship still goes on [stars emojis] we picked up right where we left off. Blessed with this reunion! Like we discussed, it takes effort and that shows Love [heart emojis]..."

Nagkomento rin si Princess Punzalan na nagsabing hindi man siya nakapunta, masaya siyang makitang nagkita-kita ang mga dating kasamahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Princess: "I miss you ghels! Pero masaya ako na tingnan ang pics nyo together!"

Sumagot naman dito si Mariz.

Kasalukuyang naninirahan sa US si Princess.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN