Kapuso Rocco Nacino happy to mingle with Kapamilya stars in new movie

IMAGE Noel Orsal

Rocco Nacino will play the role of an introvert writer in the upcoming movie, Write About Love, with Kapamilya stars Miles Ocampo, Joem Bascon and Yeng Constantino.


Excited si Rocco Nacino dahil kakapasok pa lamang ng 2019 ay may bago kaagad siyang pelikulang ginagawa—ang Write About Love ng TBA Studios.

Gagampanan niya rito ang role ng isang introvert writer.

Kapartner niya ang Kapamilya actress na si Miles Ocampo.

 IMAGE Noel Orsal

Masaya niyang kuwento tungkol sa katambal niya sa pelikula, “Sa audition pa lang, nagkukuwentuhan na kami tungkol sa mga gagawin namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parehas kaming nagbibigay ng comment namin na, ‘Uy, kinakabahan kami dun sa audition.’

“It’s nice to know na siya yung naging kasama ko dito.”

Bukod kay Miles, makakasama rin ni Rocco ang dalawa pang Kapamilya stars na sina Yeng Constantino at Joem Bascon.

 IMAGE Noel Orsal

Kumusta katrabaho ang Kapamilya stars?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ng 31-year-old actor-businessman, “Masaya, bagong environment.

“Natutuwa ako kapag nakikilala sila, may nakikilala silang ibang tao from the industry na hindi ko kilala.

"So, parang nakakapanibago, something new for me.”

Dagdag pa niya, “Magandang challenge yun for me, siyempre how to blend in.

“Mahirap lang kasi kapag magsimula na akong magtrabaho, kapag ginagawa ko na yung process, kasi nga ang karakter ko dito may pagka-introvert nga, hindi ako masyadong nakikipag-usap sa mga tao.

“Kailangang ipakita yun sa character.”

Wala pang playdate ang Write About Love.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN