McCoy de Leon on falling in love again: "Ready naman anytime."

IMAGE Noel Orsal

McCoy de Leon is ready to fall in love again, but clarifies that he is not actively looking. He also clarifies that he is not dating anyone right now.


Handa nang umibig muli si McCoy de Leon kung sakaling may babaeng muling magpapatibok ng kanyang puso.

Pahayag ng 23-year-old actor, “Ready naman anytime. Ready.

“Hindi naman sinasarado ang mga ganong bagay.

“Bakit ko naman pipigilan ang love?

“Kumbaga sa ‘tin, love ‘yan, e. 'Tsaka sasaya din [ako].”  

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang bloggers si McCoy nitong February 6, Miyerkules, sa press preview ng Project Feb 14, ang upcoming digital series sa iWant, na pinagbibidahan din nina Jane Oineza at JC Santos.

Ang huling naiulat na nakarelasyon ng ABS-CBN actor ay si Elisse Joson, 23, na dati rin niyang ka-love team.

Bukas man siya sa posibilidad na muling magmahal, nilinaw ni McCoy na wala siyang idini-date ngayon.

“Wala po," sambit niya.

"Time ko sa family ko, wala na rin po, e.

“Ano pa naman po ang ibibigay ko sa ibang tao?"

Kahit nga raw sa February 14, Valentine’s Day, ay magtatrabaho siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si McCoy ang tampok ngayon sa Kapamilya fantasy anthology na Wansapanataym Presents: Mr. CUTEpido.

Nakangiti niyang pahayag, “Alam ko meron akong taping ng Wansa...

"Work-work ngayon. Kaya pagod na ‘ko.

“Okay lang po sa ‘kin.

“Nandon pa lang po ako sa point na nagwo-work ako para sa passion ko, para sa family ko din.”

Hindi naman daw nangungulila ang aktor dahil may mga kaibigan siyang kanyang maaasahan.

“Marami akong kaibigan, mga Hashtags—sila ang nagpi-fill ng kasiyahan ko rin in terms na di ko kadugo.”  

OUT-OF-THE-BOX ROLE

Mature ang roles nina McCoy, JC, at Jane sa Project Feb 14 at sensitibo rin ang tinatalakay rito—ang mental illness.

Sa special preview, may ilang press ang nagpahayag ng pagkabahala dahil sa paksang tinatalakay ng pelikula at baka ma-trigger daw ang mga manonood na may ganitong kundisyon.

Reaksiyon ni McCoy, “Sa akin, sobrang sensitive ng topic, sobrang sensitive na bagay na pag-usapan.

“Siguro alamin muna ang dapat alamin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya sa ‘kin, tama ang sinabi na i-educate muna, kasi kahit mismo mga actors po na gumanap, naging curious po kami sa mga bagay-bagay, yung mga illness na puwedeng i-tackle.

“Pinag-aralan din po namin.

“At the same time, hindi po namin dyinudge [ang mga karakter], or walang nangyaring negative thinking.”


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN