Liza Diño postpones pregnancy via IVF

IMAGE Instagram

Liza Diño (right) and Ice Seguerra (left) want a blue-eyed baby and have chosen a Caucasian sperm donor—a summa cum laude musician cum chef—to make it possible. Liza hopes to be pregnant by December this year.


On hold pala ang planong pagbubuntis ni Liza Diño dahil sa dami ng nakalinyang activities niya ngayong 2019 bilang chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Napag-usapan na raw nila ito ng partner niya na si Ice Seguerra, at sa Disyembre nitong taon na nga nila ire-resume ang proceso ng kanyang pagbubuntis via in vitro fertilization (IVF).

Lahad ni Liza, "Yes, the whole process kasi dapat by June puwede na, pero I asked Ice, ‘Love, banner year talaga ng FDCP itong 2019 kasi 100 years, yung pressure ba.

“‘Allow me muna i-launch the events, create something very significant, 'tapos sa December, let's do this.’

“I'm not getting any younger also, pero at the same time, ayoko ring maiwanan yung mga nakahanda naming mga proyekto for FDCP.”

Kinumpirma rin ni Liza na sa Malaysia magaganap ang proceso ng IVF dahil hindi pa ito tanggap sa Pilipinas.

Naka-freeze daw ngayon ang mga extracted ovarian eggs mula kay Ice at nakapili na rin sila ng magiging sperm donor—isang foreigner at chef-musician.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, ”Yes, it's actually on its way… frozen transport siya na dadalhin nila for fertilization. Once it's frozen, yung quality niya is intact naman.”

Buntong-hininga pa ni Liza, “The religious views of the county… Dadalhin sa Malaysia kasi bawal dito.

“Nakakalungkot, di ba? There are ethical issues na nagsasabing di puwede.

“Pag single ka, di puwede; pag same sex kayo, hindi puwede.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Liza nitong Huwebes, February 7, sa presscon para sa mga programa ng FDCP ngayong taon.

UNDERSTANDING IVF

Ayon kay Liza, tila naging advocacy na rin ang kanyang pagbubuntis dahil may mga tumatawag sa kanya at nagtatanong tungkol sa IVF, at marami rito ay mula sa Lesbian, Gay, Bisexual and Transsexual (LGBT) community.

"For me it's also an awareness din, making it easier for them to understand and embrace in vitro.

“It is not something na iba-violate ang mga values natin; no, it's really just allowing us to experience…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di lahat ng kababaihan madaling magbuntis. Di lahat sila fertile gaya ng iba.

“Ang dami-daming mga couples ang nag-reach out sa amin to tell us that they are also going through the same journey.

“LGBT couples na nagkaroon ng pag-asa na puwede pala silang magkaroon ng anak… they try to understand kung ano yung process, magkano yung ginastos, posible ba sa akin ito?"

Binahagi rin ni Liza ang bawat yugto ng IVF na haharapin nila ni Ice.

"First is the egg retrieval, basically they need to harvest the egg kasi sa labas gagawin yung pagpe-fertilize.

“The second stage is the fertilization, the egg cell meets the sperm cell and they become an embryo that turns into a baby.

“The third phase is when it gets implanted sa akin and the baby starts to grow.

“From December, another nine months for us to expect a baby.

"Hopefully, kung papalarin talaga, December sana matuloy na yung pregnancy ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HOPING FOR A BLUE-EYED BABY

Ikinuwento rin ng aktres kung paano nila pinili ang kanilang sperm donor.

"Through website, it just tells you description nung lalake. May picture, child picture, ‘Ah, ganito itsura niya nung bata.’

“'Tapos mayroong adult picture, so makikita mo na yung itsura niya ngayon.

"Walang pangalan 'tapos naka-describe, halimbawa sasabihin niya, ‘I’m a chef, musician,' so yun ang mga binabasa namin.

“'Tapos yung ethnicity nandun, yung history, may personality test silang tine-take.

“Even yung genetic testing ginagawa nila para masabi kung fit ba ang genes niya dun kay Ice.

“Halimbawa ang hinahanap namin yung kapareho ng personality ko… nag-short list kami.”

At ang napili nga nila ay isang chef-musician.

"Oo, summa cum laude, he's into music. He plays a lot of instruments 'tapos he loves to cook."

"Liam Hemsworth? Type namin yung blue eyes. Tawag ni Ice is Superman.”

Seryosong dagdag pa ni Liza, “Siguro the very reason why we chose an anonymous sperm donor… wala kaming legal issues na haharapin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tungkol naman sa gastos, ipinaliwanag din ni Liza na phase by phase ang payments kaya hindi sila gaanong nahirapan sa funding ng buong proseso.

Aniya, “Akala namin isang bagsakan lang yung mga milyon [peso], di namin kaya yun. Yun pala in phases siya.

“Right now, inisip mo P300,000, parang kaya naman siya, lalo na si Ice ngayon puro concert, left and right.

“It wasn't hard for us to put together this amount, di siya isang bagsakan; nakakapag-ipon naman siya.”

PREPARING FOR PARENTHOOD

Postponed man ang pregnancy ni Liza, patuloy pa rin daw ang paghahanda nila ni Ice sa pagiging parents.

Aniya, ”Actually, Ice has been very dilligent with taking care of her body, naka-diet yan ngayon, naka-intermittent fasting.

“I also need to work out din, parang kailangan ding i-prepare ang body ko for that.

“Dati, kung ano na lang dumating na trabaho, pero ngayon nag-iisip kami kung paano kami makakapag-ipon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Baka bumili kami ng mas malaking bahay kasi yung townhouse namin pang-amin lang.

“Nararamdaman ko na. Totoo na siya! Totoo na!

“I really want this to be [an] experience namin na family.

"Ice is the father, I'm the mother, we will have a child. Amara is her sibling.

“We want that, we want to be a normal family, adding children to our family."

Dahil sa sobrang hectic ng kanyang schedule sa FDCP, may balak ba si Liza na mag-lie low at magpahinga kapag nagbuntis na siya?

Tugon niya, ”If my pregnancy is high risk, of course I will prioritize the baby. I promised naman Ice that.

“But as long as I can serve, I will be here sa FDCP. Siguro yun lang talaga ang wish ko.

“Ang dami-dami kong pangarap na shini-share with a lot of people in the industry.

“I’m so grounded in terms of my relationship with them, I talk to the producers a lot, I talk to the cinemas a lot, I talk to students a lot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang yung connection namin nandun siya, iba yung energy."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN