Judy Ann Santos-Regine Velasquez project, coming soon?

IMAGE Noel Orsal

Judy Ann Santos reveals she and Regine Velasquez have talked about working together in a project. "Matagal na naming pinag-uusapan yan, noon-noon pa man, as in noon-noon-noon pa," says Judy Ann.


Nasa ABS-CBN na si Regine Velasquez at puwede na itong muling gumawa ng pelikula sa Star Cinema (ginawa ni Regine ang Paano Kita Iibigin na co-produced ng Star Cinema at Viva Films noong 2007), posible na bang magkasama sa isang proyekto sina Regine at Judy Ann Santos?

“Sana! Oo naman, bakit naman hindi?” sagot agad ni Judy Ann.

Rebelasyon pa ni Juday, noon pa nila ito balak ni Regine.

“Matagal na naming pinag-uusapan yan, noon-noon pa man, as in noon-noon-noon pa. Wala lang talagang chance.

“Pero ngayon mas malaki na yung chance na magkasama kami kahit TV show lang, or—asus—concert! Hello!

“Ano ba naman yung mag-concert kami?” at tumawa si Judy Ann.

May mga nagsa-suggest na magsama ang dalawa sa isang drama film.

“Tingnan natin, madaming posibilidad, e. Ang daming… lalo na ngayon ang wide ng range ng stories na puwede naming gawin kasi open na yung viewers sa mga istorya na pang… hindi lang romance na pang-teenager, yung open na sila din sa iba-ibang klase ng pelikula o istorya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na napakalawak na ng isip ng mga viewers ngayon.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Judy Ann sa shoot ng YouTube cooking show niya na Judy Ann’s Kitchen sa San Juan, Batangas, nitong nakaraang Sabado, February 2.

WORKING WITH RAYMART

Inusisa na rin ng PEP.ph si Judy Ann tungkol kay Raymart Santiago, ang leading man niya sa upcoming teleserye ng ABS-CBN na Starla.

Unang beses na gagawa si Raymart ng proyekto para sa Kapamilya Network; matagal na panahon itong nasa GMA bilang isang Kapuso artist.

Kumusta katrabaho si Raymart na unang nakasama ni Judy Ann sa pelikulang Aishite Imasu 1941 noong 2004?

“Wala namang problema working with Raymart,” sagot agad ni Juday.

Aishite Imasu, okey naman kami, okey naman yung rapport namin.

“We see each other sa mga gatherings. Raymart is… masasabi kong napakakalog, kalog sa set, napaka-gentleman.

“Sasabihin niya kung okey ba yung ginawa niya, tatanungin niya kung… basta hindi siya nahihiyang magtanong, which I find very professional.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi hindi siya nagmamarunong, na kahit pareho na kaming matagal dito sa industriya nagtutulungan kami.

“Siyempre may ilangan nung simula kasi hindi naman talaga kami magka-love team to begin with, ‘tapos first niya sa ABS, ako naman comeback ko, so pareho kaming may kaba siguro, ‘no?

“Pero along the way, naging kumportable na kami sa isa’t isa, kuwentuhan na kami. Isa lang naman ang gusto namin, e—matapos kami nang maaga,” at tumawa si Judy Ann.

CAST HAS NO CHOICE

Sa kagubatan ng Tanay, Rizal, madalas ang taping nila ng Starla.

“Isa ring maganda sa set kasi, nagkataon na yung location namin walang signal. So alam mo yun? Yung parang bumalik ka nung Esperanza days sa Buso Buso, ‘tapos hindi pa uso yang mga gadgets na yan, walang mga… hindi ka natatakot na walang signal.

“So, nag-uusap-usap kami, nagkukuwentuhan, nagtatawanan. So nagkaroon ng instant bonding kasi nga walang signal, walang choice kundi mag-usap-usap,” at muling tumawa ang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noon nga ay wala talagang signal ng cellphone at pagers noon sa Buso Buso na madalas na location ng Esperanza, ang soap opera nina Judy Ann, Jolina Magdangal, Marvin Agustin, at Angelika dela Cruz mula 1997 hanggang 1999. Kaya palagi silang magkakausap kaya na-develop ang pagkakaibigan at naging solid ang bonding nila kahit may rivalry na rin naman noon among young stars.

FRIENDS THEN AND NOW…   

“Noon pa naman may rivalry na, hindi naman nawawala yun, pero kapag nagkasama na kayo sa set, yung bond ninyo nagiging forever, like with Gladys [Reyes], with Jolina, with Marvin, with Angelika, sa lahat ng mga nakasama ko before, mula Esperanza hanggang Mara Clara. Yung bond kahit hindi magkita nang madalas, nabuo na siya nung mga bata pa kami. So, hindi siya nawala.”

Kailan lamang nga ay dumalo pa si Judy Ann sa opening ng Estela na restaurant ni Gladys na nakasama ni Judy Ann sa Mara Clara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JUDAY ON THE BIG SCREEN AGAIN SOON

Bukod sa Starla ay mapapanood din si Judy Ann ngayong taon sa pelikulang Mindanaw ni Brillante Mendoza.

Kamakailan ay pumirma rin ng kontrata si Judy Ann para sa Reality Entertainment nina Director Erik Matti at Dondon Monteverde.

“Bale tatlo yung projects ko with Reality. Hopefully one with Star Cinema, yun pa lang so far.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN