Matteo Guidicelli transfers to Viva because of girlfriend Sarah Geronimo

IMAGE Noel Orsal

Matteo Guidicelli on joining girlfriend Sarah Geronimo in Viva Artists Agency's roster of talents: "I was having discussions with Sarah also. We felt like it's time that we be in one boat together, in one ship together for our future together."


Inamin ni Matteo Guidicelli, 28, na mutual decision nila ng girlfriend niyang si Sarah Geronimo, 30, na lumipat siya ng Viva Artists Agency.

Si Matteo ay nasa poder ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, sa loob ng walong taon.

Paliwanag ni Matteo: "Before the year ended last year, we've had several meetings with my previous manager. 

"I was having discussions with Sarah also. We felt like it's time that we be in one boat together, in one ship together for our future together.

"We both thought this is the best decision for each other, especially we're growing together and we're getting older together."

Nang makausap daw ni Matteo ang head honcho ng Viva Entertainment Inc. na si Vic del Rosario, nagustuhan daw ng aktor ang inilatag nitong plano sa kanya.

Kaya nakumbinse raw sina Matteo at Sarah na mag-isang talent management na lang.

Si Sarah ay 16 taon na ring talent ng Viva.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Matteo, "We're both convinced, we both decided together that this is the best place for

Nakapanayam si Matteo ng entertainment press, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa contract signing nito sa Viva, kahapon, February 8.

GRATEFUL TO STAR MAGIC

Malaki raw ang pasasalamat ni Matteo sa Star Magic na nagbigay sa kanya ng oportunidad na magkaroon ng mga teleserye at ibang proyekto.

Kaya naging madamdamin daw ang kanyang huling show kasama ang staff ng Star Magic.

"I personally dedicated the show to them especially my handler Cris Navarro.

"It was eight years being with Star Magic and I'm very thankful for everything.

"From the first day na tinawagan ako nila Tita Mariole, ibinigay nila sa akin yung Agua Bendita, at lahat-lahat" 

Si Mariole Alberto ang head ng Star Magic. Pinagbidahan naman nina Matteo at Andi Eigenmann ang Kapamilya prime-time series na Agua Bendita noong 2010.

Patuloy ni Matteo: "It wasn’t an easy decision, but it was something very important for myself as an individual.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So nagpapasalamat ako sa Star Magic for all their efforts.

"Without them, I wouldn’t be here."

VIVA PROJECTS

Ngayong magkasama na sila ni Sarah, posible kayang magkatambal na sila sa sarili nilang pelikula?

Sagot ni Matteo, "Hopefully, if there are nice opportunities and blessings that will come along, we're not closing the doors."

Bukas din daw siya sa posibilidad na magkaroon sila ng concert.

"We'll see with the management. But hopefully, if anything good comes and Sarah likes it and I like it, why not?"

Excited din daw si Matteo na agad simulan ang recording ng sarili niyang album na ipo-produce ng Viva Records.

Pagdating naman sa pelikula, pagkatapos ng kanyang contract signing ay mayroong na-pitch sa aktor kung sino ang napiling leading lady na makakapareha niya.

Bukod kay Sarah, ilan sa mga nabanggit ni Matteo na gusto niyang makatrabaho na Viva artists ay sina Anne Curtis, Yassi Pressman, Nadine Lustre, at Cristine Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN