Kiray Celis, Sherilyn Reyes recall fond memories with comedian Bentong

IMAGE @kiraycelis / GMA Network Online / @sherilynrtan Instagram

Kiray Celis (left) and Sherilyn Reyes (right) are among the celebrities who expressed their grief over the unexpected passing of comedian Bentong (center).


Ginunita ng ilang celebrities ang kanilang alaala kasama ang pumanaw na komedyanteng si Bentong, 55.

Sumakabilang-buhay si Bentong, aka Domingo Vusotros Brotamante Jr., ngayong Sabado ng umaga, February 9.

Isa sa mga unang nagpaabot ng pakikiramay ay ang Kapuso actress na si Kiray Celis, 23.

Sa kanyang Instagram post, ipinakita ni Kiray ang throwback photo kasama si Bentong at isa pang comedian na si Bayani Agbayani.

Nagkatrabaho sila sa pelikulang Pera O Bayong Not Da TV, na pinagbidahan nina Willie Revillame, Randy Santiago, at John Estrada noong 2000.

Ang tanging caption ni Kiray kalakip ang isang crying emoji, "Rest in peace kuya bentong.."

Naalala naman ni Sherilyn Reyes, 43, kung paano siya nadiskubre bilang artista dahil kay Bentong.

Sa kanyang hiwalay na post, sinabi ni Sherilyn na nirekomenda siya ni Bentong kina Johnny "Mr. M" Manahan at Mariole Alberto, ang star builders ng ABS-CBN talent management arm na Star Magic.

Pahayag ni Sherilyn: "Kuya Boyet, nalungkot ako bigla. Di ko alam, nagpaalam ka na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Di ko makakalimutan tuwing nagkikita tayo, tawag mo sa kin, Sherilyn Brotamante [laughing with tears emojis]

"Salamat Kuya! Di ako magiging artista kung di mo ko nakita at itinuro kina Mr.M at Tita Mariolle. Rest In Peace Kuya Boyet! #bentong [broken heart]"

Ang ilan pang artista na nag-comment sa post ni Sherilyn ay sina Manilyn Reynes, Isabel Oli, at Antonio Aquitania.

Narito ang kanilang mensahe para kay Bentong:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Comedian Bentong dies at 55
Comedian Bentong dies at 55


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN