Rodjun Cruz treasures touching messages from late mom

IMAGE @rodjuncruz Instagram

"Thank you for everything. Ikaw ang Love of our Lives! We miss you & Love you so much our Queen." Rodjun Cruz gets emotional as he remembers his late mom's unconditional love for him and his brothers Rayver and Omar. 


Patuloy ang pangungulila ng magkakapatid na Rodjun, Rayver, at Omar Cruz isang linggo matapos bawian ng buhay ang ina nilang si Elizabeth Cruz.

Pumanaw si Beth dahil sa sakit na pancreatic cancer noong February 2.

Sa kanyang Instagram post ngayong Sabado, February 9, ipinakita ni Rodjun ang ilang screenshots ng mga lumang mensahe ng ina sa kanilang tatlong magkakapatid.

Galing ito sa personal Instagram account ni Beth.

Sabi sa isang post ni Beth: "Sobrang nagpapasalamat kay Lord napaka Swerte kung Sobra na kyong 3 mga Anak ko At Sobrang Bait ni Lord sa Akin na binigay nya kyo sa Akin...

"Mawala man ako dito at kung mabubuhay ulit ako SAna kyo pa rin ang mga magiging ANak ko I love you All so Very Much God bless you All Always @rayvercruz @rodjuncruz & @ohmarrrrrrrr [kisses and hearts emojis]."

Naging bukas naman si Rodjun sa pagsasabi kung gaano niya ka-miss ang kanyang ina.

Pahayag ng 31-year-old Kapuso actor: "Awwwww Grabe! [crying emoji] The best ka Mama! Perfect mother ka talaga. Sobrang thankful kami kay Lord at blessed kami na ikaw ang Mama namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaming tatlo ang sobrang swerte.Grabe at sobra ang pagmamahal mo sa aming mga anak mo. Proud ka at sweet sobra samin.

"Thank you for everything. Ikaw ang Love of our Lives! We miss you & Love you so much our Queen! [God, heart, prayer emojis]."

BROTHERS' VOW

Kahapon, February 8, ginanap ang interment para sa yumaong si Beth.

Nakunan ng litrato ang magkakapatid na sina Rodjun, Rayver, at Omar sa memorial park kung saan inilagak ang mga labi ng kanilang ina.

Ibinahagi ni Rodjun ang emosyunal na oras na iyon sa kanyang Instagram.

Kalakip nito ang caption kung saan nangako si Rodjun na mananatiling "solid" ang relasyon nilang tatlong magkakapatid kahit pumanaw na ang kanilang ina.

"Pinalaki niya tayong mabuti at Overflowing ang Love na binigay ni Mama sa atin," sabi sa isang bahagi ng post ni Rodjun.

"Kaya hindi na mawawala Yun at Forever ng nasa puso at isipan natin. Itutuloy natin ang Legacy niya at alam ko na gagabayan parin tayo ni Mama mula sa langit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang proud si Mama satin at Grabe ang pagmamahal niya sa ating mga anak niya."


Stories We Are Tracking

Rodjun, Rayver Cruz lead dance in honor of late mom
Rodjun, Rayver Cruz lead dance in honor of late mom
Rodjun and Rayver Cruz's mother passes away
Rodjun and Rayver Cruz's mother passes away
Sunshine Cruz pays tribute to Rodjun and Rayver's late mom
Sunshine Cruz pays tribute to Rodjun and Rayver's late mom
Sunshine, Dianne mourn passing of
Sunshine, Dianne mourn passing of "second mom" Beth Cruz


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN