KZ Tandingan defends Inigo Pascual from netizen criticizing his looks and versatility

IMAGE @kztandingan / @inigopascual on Instagram

KZ Tandingan defends Inigo Pascual from netizen who criticized his versatility as a singer, and his looks. KZ tells the netizen, "The reason why we love him is because his beauty isn't based on how his hair looks, we love him because his beauty is skin deep."


Ipinagtanggol ni KZ Tandingan si Inigo Pascual mula sa isang netizen na pinupuna ang kakayahan ng singer-actor bilang artist, maging ang kanyang itsura.

Nangyari ang naging palitan ng comments kahapon, February 9, sa Instagram account ng Star Music executive na si Roxy Liquigan.

Makikita sa litrato ang guest appearance ni Inigo kasama ang American singer na si Alex Aiono sa international digital radio broadcasting platform na Dash Radio.

Nag-comment naman dito si KZ para i-congratulate si Inigo.

Ani KZ, "Congratulations brother!!!! REACHING MILESTONES NO OTHER FILIPINO ARTISTS HAVE REACHED!! Soo proud of you!!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito ay sumagot ang Instagram user na si @natportalie, at pinarating kay KZ ang mga napuna niya kay Inigo.

Una na rito ang diumano'y fans ni Inigo na lumipat sa ibang fan clubs.

Pinuna rin ng netizen maging ang hairstyle ng 21-year-old singer-actor.

Sabi ni @natportalie, "Naka collab nga siya ng mga international singers yung mga fans naman niya nag alisan na lumipat na sa mga gwapong male artist..

"Paano magiging successful yang si Inigo kung lagi lang siyang nasa comfort zone niya di siya nag iimprove..artista siya pero di man lang nag eeffort ayusin ang appearance kung ano ano pinag gagawa sa buhok.

"Yes he can sing pero di naman siya versatile katulad mo at ng ibang male singer na kaya kahit anong kanta siya di naman niya kayang kumanta ng matataas na kanta."

Sa sumunod pa niyang comment, sinabi ni @natportalie na buti na lang daw at nakasuporta ang MarNigo fan club kay Inigo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MarNigo ang tawag sa love team nina Inigo at Maris Racal.

Ikinumpara rin ng netizen si Inigo sa ibang Kapamilya actors, tulad nina Donny Pangilinan at Edward Barber.

"Kahit fansclub niya wala ng pake sa mga ginagawa niya buti nga meron pang Marnigos na full support sa mga individual ganaps nila.

"Pagsabihan mo sana si inigo na mag explore bilang artist at kung gusto niya dumami fans niya iimprove niya looks niya kase ang tinitilian ngayon yung mga gwapong artista like sila donny, edward,james reid, enrique, daniel.. Mapag iiwanan siya kung wala siyang gagawin para iimprove ang looks nya

"Im not saying those stuff to inigo to bash him Im just saying what is truth. Thats the fact people are not interested to him anymore even his fans because hes not trying his best to have growth in showbizness."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos ng sunud-sunod na comment ni @natportalie at saka sumagot si KZ.

Dito ay ipinagtanggol niya ang kapwa singer at sinabi pang fan din siya ni Inigo.

Saad ni KZ, "Hi. Your opinion is your opinion. I respect that. Pero what you say isn’t The truth, it is Your Truth. The real fact is, He is his own person, let’s not compare him to others.

"He has achieved so much at such a young age, even achieved more than some of the artists who have been in this business before him. Growth doesn’t just mean changing your looks, growth is more successful when it is mental, emotional and spiritual growth.

"Growth doesn’t just happen in a day or a month, growth is a continuous process till we die.

"His REAL fans (myself included) will always be supportive of whatever he decides to do, as long as he is happy

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The reason why we love him is because his beauty isn’t based on how his hair looks, we love him because his beauty is skin deep. If you can’t respect that then okay lang. God bless you! Have a nice day!"

Samantala, hindi naman sumagot si Inigo sa comment thread na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Let's talk TV @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN