Mika dela Cruz prefers not to work with boyfriend Nash Aguas for now

IMAGE @zackwey on Instagram

Mika dela Cruz says she and boyfriend Nash Aguas have chosen not to work together for a TV project. "Nagka-work na kami before, okay na yun. Alam na namin yung pakiramdam. Masaya kami na simple lang, masaya lang."


Masaya si Mika dela Cruz sa ipinapakitang suporta ng boyfriend niyang si Nash Aguas para sa kanyang career, kahit na sila ay magkahiwalay ng TV network.

Si Mika ay contract artist ng GMA-7, habang si Nash ay talent ng ABS-CBN.

Ngayong 2019, natanggap ni Mika ang biggest break niya sa telebisyon, bilang bida ng prime-time series na Kara Mia kasama si Barbie Forteza.

Dito ay gumaganap sila bilang magkapatid na iisa ang katawan.

Sabi ni Mika sa eksklusibong panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong January 24, tuwang-tuwa raw si Nash para sa kanya.

Sa katunayan, gumawa pa raw si Nash ng "Kara Mia Challenge," kung saan nag-video si Nash na ginagaya ang mga karakter nila ni Barbie.

Sabi ng 20-year-old actress, "Tuwang-tuwa siya. Lagi siyang nakikibalita.

"Gumawa nga siya ng challenge ng Kara Mia, e.

"Di lang niya ma-post because of the network difference, pero sobrang tuwang-tuwa siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala akong masasabi sa kanya, sobrang supportive, wala kang maririnig na kahit na ano.

"Siya yung una sa lahat, pinaka natutuwa pag may magandang mangyari sa akin, at pinaka hindi okay pag hindi ako okay.

"Wala talagang problema sa kanya."

Wala rin daw problema kay Nash ang pagiging magka-love team ni Mika at ng Kapuso actor na si Paul Salas, lalo na't nagkatrabaho na sila noon sa Kapamilya network.

Saad niya, "Before sa ABS, nagka-work kami nila Paul, kaming tatlo sa Dahil May Isang Ikaw.

"Lumalabas din kami nila Paul kaya walang problema dahil lahat kami magkakabata.

"Kahit sila nila Barbie nagpaparada kami sa Malabon kapag Pasko.

"So lahat kami small world, lahat kami magkababata, 'tapos nagkaka-work kami ngayon. Magaan lang."

MIKA AND NASH IN ONE PROJECT

Sa ngayon, hindi posibleng magkasama sina Mika at Nash sa iisang proyekto sa telebisyon.

Ito ang dahilan kung bakit maraming nag-aalok sa kanila na magtambal sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Subalit katulad nang sinabi ni Mika sa mga interbyu nila noon, ayaw na nilang magkatrabaho muna sa isang project.

Paliwanag niya, "Ayaw namin kasi ayaw namin mabahiran ng kahit kapiranggot na pagka-showbiz [yung relasyon namin].

"Kasi mahirap na, e. Nagka-work na kami before, okay na yun. Alam na namin yung pakiramdam.

"Masaya kami na simple lang, masaya lang."

Pero posible bang sundan siya ni Nash sa Kapuso network?

Sagot ni Mika, "Malayo, kasi siya okay siya sa ABS."

Ayon sa 20-year-old actress, maganda rin ang suportang ibinibigay sa kanyang boyfriend ng mother network nito.

Kuwento niya, "Si Nash gusto niya maging director.

"Minsan, mga scenes niya sa The Good Son, siya nagba-block, nagte-technical, iba yung support ng directors doon sa kanya as aspiring filmmaker.

"'Tapos, may digital platform sila.

"So kanya-kanya, kung saan yung charm mo, saan ka mas maggu-grow.

"Sa akin dito. Sa kanya, doon. So kung saan yung makakabuti sa inyo, doon ka."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Let's talk TV @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN