Archie Alemania recalls furious bashing from AlDub fans last year after linking Maine to Juancho Trivino

IMAGE IMAGE @archiealemania / @juanchotrivino / @mainedcm on Instagram

Archie Alemania (left) says he wasn't affected at all by the heavy bashing he got last year after linking Juancho Trivino (right) to Maine Mendoza (center): "Hindi, wala. Wala akong pakialam sa ganyan. Diyos ko, hindi naman ako balat-sibuyas para sa ganyan. Wala naman akong ginagawang masama."


“Wala na, napunta na lahat kay Arjo.

“Lahat ng mga bashers ngayon, tsaka kina Tita Sylvia [Sanchez], ayan, dun napunta ang bashers,” ang mabilis na sagot ni Archie Alemania sa tanong namin kung wala na ba siyang bashers ngayon.

Last year kasi, bandang September-October ay pinutakti ng pamba-bash si Archie nang mag-post ito ng mga Instagram videos kung saan itinutukso niya ang kaibigan niyang si Juancho Trivino kay Maine Mendoza.

Noon ding mga panahon na iyon ay nali-link sina Maine at Juancho na hindi nagustuhan ng karamihan sa mga fans ng AlDub na loveteam nina Alden Richards at Maine.

Pero dahil sina Maine at Arjo Atayde ang nali-link ngayon at may status na exclusively dating, si Arjo at ang pamilya nito (tulad ng ina nitong si Sylvia Sanchez) ang inuulan ng batikos mula sa mga AlDub fans at trolls.

“Hindi,” bulalas naman ni Archie sa tanong namin kung may pagkakataong nasaktan siya sa mga natanggap niyang pamba-bash.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi, wala. Wala akong pakialam sa ganyan.

“Diyos ko, hindi naman ako balat-sibuyas para sa ganyan.

“Wala naman akong ginagawang masama.”

JUST TEASING JUANCHO

Pero bakit nga ba siya nag-post ng mga nabanggit na videos ng panunukso kina Juancho at Maine?

May alam ba siya tungkol sa dalawa?

Pagklaro niya, “Hindi… wala.

“May nakukuwento lang si Juancho na lumabas sila, nag-dinner, mga ganun-ganun lang, kaya binibiro ko lang si Juancho.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Archie sa 17th floor ng GMA Network sa presscon last January 30 ng TODA One I Love na bagong show ng GMA kunsaan gumaganap si Archie bilang si Kevin.

Bago raw i-post ni Archie ang mga naturang videos ay hindi niya akalain na puputaktihin siya ng bashers.

Pag-amin niya, “Ah hindi, hindi, wala akong… hindi ko alam na ganung ka-OA! Hindi ko alam.”

Kalimitang kapag may ibang tao na nali-link either kay Maine (Sef Cadayona, Jake Ejercito, Juancho, at Arjo) o kay Alden (Janine Gutierrez, Bea Binene, Patricia Tumulac, at Andrea Torres) ay naba-bash ito nang todo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pakli niya, “Kaya nga sina Arjo, sina Tita Sylvia, niyayari sila.”

DEATH THREATS FROM BASHERS

Kahit raw si Archie that time ay may mga death threats na natatanggap dahil lamang sa pagpo-post niya ng videos.

Kuwento niya, “Sabi ko, ‘Sige lang lumapit lang kayo sa akin para magkaalaman.’

“Nagulat ako.

“Dumami followers ko, thank you rin sa inyo,” at tumawa si Archie.

“Overnight nagkaroon ng two thousand, nadagdagan.

“Bina-block ko naman sila oras na may pangit na comment.

“Ganun lang naman ako, e.”

Si Juancho raw ang ka-close niya, hindi si Maine.

Saad niya, “Kasi sa Bubble Gang, magkasama kami ni Juancho sa Bubble Gang.”

So alam niya kung may relasyon na nga ngayon sina Juancho at ang Kapuso artist na si Joyce Pring?

“Akala ko nga loko-lokohan lang, e.

“Sila, alam ko sila na,” pagkumpirma niya.

ADVICE TO JUANCHO

May ipinayo ba si Archie kay Juancho noong mga panahon na naba-bash ito dahil kay Maine?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Archie, “Nung nangyari yun dun na sila naging parang… dumistansiya na sila sa isa’t isa, nung nangyari ‘yun.

“Parang, kay Juancho lang, wala, hindi naman pinapatulan ni Juancho.

“Tumatawa-tawa lang din yun.”

DEALING WITH BASHERS

Hindi rin ba palapatol si Archie sa bashers?

“Pinapatulan ko sila. Pero hindi ako apektado.

“Yun lang, huwag kang magpaapekto. Patulan mo!

“Gusto ko lang mambuwisit at para alam nila na hindi niyo ako kakaya-kayanin.”

ADVICE TO ARJO AND HIS MOM

Ano ang payo niya kay Arjo?

“'Wala hayaan mo lang sila, hayaan mo lang. Matatapos din yan, magsasawa din yang mga yan.”

Kay Sylvia?

“’Tita Sylvs, huwag mo lang pansinin. Alam ko nasasaktan ka dahil mga anak mo yan. Pero huwag mo nang pansinin.’”

Nagkasama raw sila ni Sylvia dati sa Deal Or No Deal sa ABS-CBN.

“Ilang taon din kaming magkasama ni Tita Sylvia, three years.

“’Hayaan mo lang magsasawa rin yang mga yan. Tsaka ilan lang yang puro mga trolls na yan so hindi totoo yan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ironically, iisa ang manager nina Archie at Maine: si Rams David.

“Kaya nga pati nun, nadamay na si kuya Rams.

“Bina-bash din siya.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN