Monsour del Rosario recalls acting as bridge for Dawn Zulueta and husband Anton Lagdameo

IMAGE Rommel Gonzales

Makati 1st District Representative Monsour del Rosario recounts how he gave his blessing to longtime friend Anton Lagdameo to court Monsour's ex-GF Dawn Zulueta: "Kasi si Anton tsaka si Dawn wala namang problema kasi ako naman ang nagpakilala sa kanila, e! Si Anton, grade seven pa lang kilala ko na. Fourth year high school ako, 'tapos nag-aral sa Amerika yan. 'Tapos, pag-uwi niya, sabi niya, 'Kuya Mon, yung ex-girlfriend mo, puwede kong ligawan?'


“It’s like everyday since I filed for candidacy,” sagot ni Congressman Monsour del Rosario sa tanong kung ano ang nararamdaman niya ngayong tumatakbo siya bilang Vice-Mayor ng Makati.

“Meeting people, hundreds of people everyday.”

Mas may pressure raw ngayon kaysa noong tumakbo siya bilang Congressman/Representative ng 1st District ng Makati noong 2016.

“It’s bigger—two districts.

“Congressman, one district.

“Congressman, fourteen barangays.

“Vice-Mayor, thirty-three barangays.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Congressman Monsour kahapon, Sabado, February 9, sa Makati City kunsaan bilang advance celebration niya ng Valentine's Day ay namigay siya ng mga bulaklak at pillows sa mga masusuwerteng babae sa naturang siyudad.

REASON FOR RUNNING AS VICE-MAYOR

Unang termino pa lamang niya bilang Congressman simula noong nanalo siya noong 2016 elections.

Bakit nagdesisyon siyang tumakbo bilang Vice-Mayor sa darating na eleksyon sa Mayo?

Tugon niya, “Tumakbo si Vice-President Jojo Binay sa district ko as Congressman, e.”

Ayaw niya itong kalabanin dahil malapit siya sa pamilyang Binay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MAIN CONTENDER

Ang makakalaban daw ni Monsour ay si Monique Lagdameo na incumbent Vice-Mayor ng Makati, at siya ring first cousin ni Anton Lagdameo.

Si Anton ay asawa ng aktres na si Dawn Zulueta na noon ay nakarelasyon ni Monsour.

Kaya tinanong namin si Monsour kung ano ang pakiramdam na ang makakalaban niya sa pagka-Bise Alkalde ng Makati ay pinsan ng mister ni Dawn.

Aniya, “Okay lang!

“Kasi si Anton tsaka si Dawn wala namang problema kasi ako naman ang nagpakilala sa kanila, e!

“Si Anton, grade seven pa lang kilala ko na.

“Fourth year high school ako, 'tapos nag-aral sa Amerika yan.

“'Tapos, pag-uwi niya, sabi niya, ‘Kuya Mon, yung ex-girlfriend mo, puwede kong ligawan?’

“Yung dalawang anak nila estudyante ko sa taekwondo.

“Walang problema sa amin.”

So sino kaya ang susuportahan ni Anton, si Monsour o ang pinsan nito?

Pakli niya, “Well, siguro kung ano ang sabihin ni Bongbong Marcos, kung ano ang sabihin siguro ni [President Rodrigo] Duterte.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kanino ba si Monsour?

Aniya, “Duterte. PDP.”

KIDS TO JOIN SHOWBIZ?

Ang asawa ni Monsour ay si Joy Zapanta at may dalawa silang anak, isang lalaki (twelve years old) at isang babae (ten years old).

Guwapo rin ang anak ni Monsour na tulad niya, mag-aartista rin ba ito?

Lahad niya, “Hindi marunong mag-Tagalog, e! Tinuturuan ko pa, e.

“International school nag-aaral, e.

“Yung babae naman sa Assumption, iyon medyo marunong ng konti [ng Tagalog].”

Papayagan ba niya ang dalawa kapag nais pasukin ang showbiz?

Ani Monsour, “Tapusin muna nila ang school nila.

“Kasi ang nakita ko sa karamihan ng kabataan, nung pumasok ako sa showbiz, kapag nakatikim na sila ng pera, kapag kumikita na sila ng pera, nagtatrabaho na, ayaw nang mag-aral.

“So patapusin muna ng pag-aaral nila, pagkatapos kung gusto nila, at least tapos na sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN