Kim Chiu reacts to sweet photo of Jake Cuenca and Kylie Verzosa

IMAGE @juancarloscuenca / @chinitaprincess on Instagram

Kim Chiu (right) was one of the celebrities who reacted to Jake Cuenca and Kylie Verzosa's sweet photo (left) posted by Jake on his Instagram on Sunday night, February 10.


Nag-react ang Kapamilya actress na si Kim Chiu sa isang sweet photo na pinost ni Jake Cuenca kasama si Miss International 2016 Kylie Verzosa.

Sa litratong ipinost ni Jake sa kanyang Instagram account ngayong gabi, February 10, makikitang sweet at magkadikit ang mukha nila ni Kylie.

Saad ni Jake sa caption, "Monchichis."

View this post on Instagram

Monchichis. 🙈🙉🐒

A post shared by Jake Cuenca (@juancarloscuenca) on

Matagal nang iniintrigang may namumuong pagtitinginan sa dalawa, na magka-love team sa panghapong ABS-CBN teleserye na Precious Hearts Romances: Los Bastardos.

Ito ay matapos mapansin ang pagpu-post ni Jake ng mga litrato na silang dalawa lang ni Kylie ang magkasama simula pa noong December 2018.

Isa naman si Kim sa mga unang nag-react nang muling mag-upload si Jake ng picture nila ni Kylie.

Ani Kim, "the cutest!!!!!!" karugtong ang pitong heart emojis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga kasamahan din nila sa Los Bastardos na sina Mica Javier, Josh Colet at Joyce Ann Burton ay hindi napigilang mag-react sa litrato.

Sabi pa ni Joyce sa kanyang comment, "My favorite couple..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kasalukuyan ay wala pang sinasagot o nila-like na comment sina Jake at Kylie sa nasabing post.

Hindi pa rin nagsasalita ang dalawa tungkol sa mga tanong kung ano ang namamagitan sa kanilang dalawa.


ABOUT THE AUTHOR

Let's talk TV @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN