Liza Soberano and Enrique Gil confirm two-year-old relationship

IMAGE @enriquegil17 on Instagram

Liza Soberano and Enrique Gil are officially in a relationship. They confirmed this during their Gandang Gabi Vice guest appearance yesterday, February 10.


Inamin na nila Liza Soberano at Enrique Gil ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Sa kanilang guest appearance sa Gandang Gabi Vice kagabi, February 10, napaamin ang LizQuen na dalawang taon na silang magkarelasyon.

Sa segment na "Kueryentanong," kailangang sagutin nila Liza at Enrique ang tanong ng isa't isa at ng host na si Vice Ganda habang nakalagay ang kanilang kamay sa isang lie-detector gadget.

Kapag nakuryente sila sa gadget ay nangangahulugang hindi sila nagsasabi nang totoo.

Tinanong ni Enrique si Liza kung sa palagay ba niya ay sila na "forever."

Walang pag-aatubiling sinagot ni Liza na "Yes," at hindi siya nakuryente sa lie-detector gadget.

Nang si Enrique naman ang sumalang sa gadget, tinanong siya ni Vice kung "Kayo na ba?"

Ngumiti muna si Enrique bago nito sinabing "Yes!"

Bago pa mag-react ang lie-detector gadget ay tinanggal na ni Vice ang kamay ni Enrique at sinabing, "Sapat na sa akin 'yon!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagsigawan ang mga nanunuod at ipinakita rin ang manager ni Liza na si Ogie Diaz sa audience area.

Ipinalagay muli ni Vice ang mga kamay ni Liza sa gadget at saka niya ito tinanong, "Matagal na kayo?"

Sabi naman ni Liza, "Define matagal."

Sabi ni Vice, "More than two years."

Nakangiting sagot ni Liza, "Oo."

Agad na tinanggal ni Vice ang kamay ni Liza at singaw niyang, "Ay, oo daw!

Ayon din kay Liza, October daw sila nagse-celebrate ng kanilang anniversary, nangangahulugan na October 2016 naging sila, o tatlong taon mula nang una silang magtambal sa pelikula.

LIZQUEN'S OCTOBER HISTORY

October 2013 nang unang magkatrabaho sina Liza at Enrique para sa pelikulang She's The One, kasama sina Bea Alonzo at Dingdong Dantes.

Pagkatapos ng isang taon, noong October 2014, ay nabigyan sina Liza at Enrique nang kanilang unang teleserye, ang Forevermore.

Noong October 2018, nag-post ang dalawa ng litrato ng isa't isa sa kani-kanilang Instagram accounts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagama't magkahiwalay sila sa mga litrato ay makikita namang kuha nila ito sa isa't isa habang magka-date.

Sabi ni Liza sa caption niya, "Never rush something you want to last forever. Grateful to have someone like you in my life."

Saad naman ni Enrique sa kanyang caption, "What is life without love? Nothing that’s why you’re my Everything"

Sa kasalukuyan, abala ang dalawa pagpo-promote ng pelikula nilang Alone/Together, na ipapalabas sa February 13 sa mga sinehan.


ABOUT THE AUTHOR

Let's talk TV @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN