Maine Mendoza and Arjo Atayde go on a romantic date in the U.S.

IMAGE @arjoatayde Instagram

Arjo Atayde posts a photo of his time in the States with Maine Mendoza in the picture. Hmmm, they are supposed to be in different places for separate commitments.


Natuloy ang pagkikita ng rumored couple na sina Maine Mendoza, 23, at Arjo Atayde, 28, sa U.S.

Si Arjo mismo ang nag-post ng date nila ni Maine sa isang restaurant, sa pamamagitan ng Instagram Story ng Kapamilya actor bandang 2:30 A.M.  (Philippine time). 

Tanging si Maine ang makikitang todo-ngiti habang nakaupo sa table for two, na may naka-serve na wine at salad.

Sabi ni Arjo sa kanyang written text sa litrato: "SAVE THE BEST STOP FOR LAST."

Nasa New York si Maine para dumalo sa ilang events ng kanyang iniendorsong lipstick brand.

Si Arjo naman ay bahagi ng concert show ni Maja Salvador sa Virginia, noong February 9.

Hindi malinaw kung saan eksaktong nagkita ang rumored couple, dahil hindi ito nabanggit ni Arjo.

Pero lumalabas na unti-unting nagiging bukas ang dalawa sa kanilang pagkakamabutihan.

Nitong January 22, 2019, kinumpirma ni Arjo na "exclusively dating" sila ni Maine.


Stories We Are Tracking

Arjo admits he and Maine are
Arjo admits he and Maine are "exclusively dating"
Arjo asked: Are you in a relationship with Maine?
Arjo asked: Are you in a relationship with Maine?
Maine Mendoza defends Arjo, Ria Atayde against accusers
Maine Mendoza defends Arjo, Ria Atayde against accusers
Maine Mendoza ends 2018 on a happier note
Maine Mendoza ends 2018 on a happier note

Ito ay matapos ang humigit-kumulang apat na buwang espekulasyon tungkol sa madalas na pagkikita nila sa labas ng trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Una silang nagkatrabaho sa 2018 Metro Manila Film Fest (MMFF) entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles. Nagsimula ang shooting ng pelikula noong August 2018.

As early as September 2018, sinasabing namataan si Arjo na dumalo sa media launch ng iniendorsong lipstick brand ni Maine.

October 2018 nang namataan silang kumakain sa isang restaurant sa Makati, base sa nailathalang litrato ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang source.


Stories We Are Tracking

Will Maine Mendoza and Arjo Atayde meet in the U.S.?
Will Maine Mendoza and Arjo Atayde meet in the U.S.?
Sylvia pleads with AlDub fans: Ako na lang ang patayin niyo
Sylvia pleads with AlDub fans: Ako na lang ang patayin niyo
Arjo Atayde tells netizens to stop bashing Alden Richards
Arjo Atayde tells netizens to stop bashing Alden Richards
Did Maine Mendoza gush about Arjo Atayde on Twitter in 2013?
Did Maine Mendoza gush about Arjo Atayde on Twitter in 2013?


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN